CHAPTER 31

99 2 0
                                    

Umaga ng lunes, maagang nag doorbell si Diego sa bahay nina Cathy, agad nman syang pinag buksan ng gate ni Mang Roberto.

"Good morning po Tay.." bati ng nakangiting si Diego sa ama ni Cathy

"Oh Diego, halika pasok.." sabay na naglakad ang dalawa papasok ng bahay

"Nay, magandang umaga.." masayang bati ng binata sa nagluluto na si Aling Helen

"Oh Diego, tamang tama kakain na kami.."

"Ay si Cathy po kaya..?" tanong ng nakaupong si Diego kay Mang Roberto

"Ah nasa kwarto pa nya, hintayin mo at lalabas din yun maya maya.." wika ni Mang Roberto

..........

Oras na ng umagahan, ay hindi pa rin bumababa si Miguel ng kanyang kwarto. Nagdesisyon si Yaya Belen na puntahan na ang binata sa silid nito.

Tok....tok....

"Miguel, tayo na sa baba at kakain na.." wika ni Yaya Belen sa labas ng kwarto ng binata

Maya maya ay binuksan na rin ni Miguel ang pinto ng kanyang kwarto. Tumambad kay Yaya Belen ang malungkot na binata.

"Okay ka lang ba?, bakit ganyan ang itsura mo?.." alalang tanong ni Yaya Belen kay Miguel

Tinitigan ni Miguel si Yaya Belen pagkatapos ay biglang yumakap ang binata sa kanyang Yaya. Napaluha si Yaya Belen sa ginawa ni Miguel, ramdam ng matanda na hindi okay ang kanyang alaga.

..........

Matatapos ng kumain si Diego, Mang Roberto at si Aling Helen ay hindi pa rin lumalabas ng kanyang kwarto si Cathy. Nagdesisyon ang ina ng dalaga na katukin na ang kanyang anak.

"Cathy, anak,... halika na at kumain, nandito na rin Si Diego.." wika ni Aling Helen, ngunit hindi man lang sumagot si Cathy, dahil sa pag aalala ay nagkusa na si Aling Helen na buksan ang kwarto ni Cathy

Tumambad kay Aling Helen ang nakaupo habang nakasandal nyang anak, sa sulok ng kanyang kama habang umiiyak ang dalaga. Bahagyang nilapitan ni Aling Helen ang umiiyak nyang anak. Naupo ito sa tabi ni Cathy.

"Pwede mo kong pagsabihan, makikinig ako.." nakangiting wika ng ina ni Cathy

Ngumiti ng bahagya ang umiiyak na si Cathy sa kanyang ina. Pero hindi pa rin nagsalita ang dalaga. Dahil alam ni Aling Helen ang pinagdadaanan ng kanyang anak, ay kanya na lamang itong pinayuhan.

"Natatandaan mo ba dati, yung sinabi ko sayo,... hindi palaging dapat mahal mo yung tao para maging kayo, lalo na kung, alam mo, na mas makakabuti sya sayo kesa sa taong mahal mo. Sigurado ako na, yun din ang nasa isip ni Miguel kaya nya nagawa yun, hindi man natin alam ang kanyang dahilan, alam nya, na mas mapapabuti ka kung kay Diego ka mapupunta.." seryusong sabi ni Aling Helen, lalong tumulo ang luha ni Cathy sa mga sinabi ng kanyang ina, walang nagawa si Aling Helen kundi yakapin na lamang ang kanyang anak.

.........

Kahit na hindi okay, ay nagawa pa rin ni Cathy na pumasok sa opisina. Kitang kita sa muka ng dalaga ang lungkot, habang nakasandal ang kanang bahagi ng kanyang ulo sa salamin ng passenger seat ng sasakyan ni Diego.

"Cathy okay ka lang..?" alalang tanong ni Diego sa dalaga, ngunit hindi sumagot si Cathy, bagkus ay bumaling na lamang ang dalaga sa labas ng sasakyan

Para mapasaya ang dalaga, ay naisipan ni Diego na tanungin si Cathy tungkol sa magiging kasal nila.

"Ay Cathy, ahh may naisip ka na bang date na gusto mo para sa kasal natin..?" nakangiting tanong ni Diego, pero imbes na matuwa ay iniwasan lang ni Cathy na pag usapan ang kasal nila ng binata.

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon