CHAPTER 12

194 2 0
                                    

Umaga ng Lunes, maagang pumasok si Cathy sa kanyang trabaho. Pagbaba ng Jeep ay naglakad ito patungo sa entrance ng kompanya. Sa harap ng elevator ay natanaw ni Cathy si Miguel na naghihintay sa pagbukas nito. Lumapit si Cathy kay Miguel at saka nya ito binati.

"Good Morning po Sir.." wika ng dalaga saka sya ngumiti ng matipid.

Bumukas ang elevator at sabay na pumasok ang dalawa, ni hindi man lang sumagot si Miguel sa bati ng dalaga.

Simula nong isang araw na pagalitan si Cathy ni Miguel, ay tila parang hangin na lamang ang dalaga sa paningin ni Miguel, kahit ang mga trabaho na dapat si Cathy ang gumagawa, ay ipinagagawa na lamang ni Miguel ito sa iba.

Ngunit kahit ganun, parati paring nakangiti ang dalaga kay Miguel, hindi na nya magawang magalit at magtampo sa binata, bagkus ay inintindi na lamang ni Cathy ang sitwasyon ni Miguel.

Nang makarating sa kanyang mesa ay agad na binuhay ni Cathy ang kanyang computer, pagkatapos ay agad itong nagsimulang magtrabaho.

"Cathy, hindi ba mamaya na yun..?" wika ni Joan kay Cathy

"Ang alin...?" takang tanong ni Cathy

"Yung birthday ni Mam Cindy, hindi ba ininvite ka na Sir Miguel sumama sa kanya.."

Agad namang sumingit si Franz.

"Naku wag mong pinag iiintindi yang si Cathy, panaginip nya lang yun.. " natatawang biro ni Franz

Napaisip si Cathy, nong nakaraan nga pala ay ininvite sya ni Miguel para sumama sa birthday ni Cindy, pero dahil na rin LQ na nman sila, hinayaan na lamang nya ito, dahil sigurado syang nagbago na rin ang isip ni Miguel.

"Hayaan nyo na, hindi rin naman ako sanay mag attend sa ganun kagarbong okasyon eh..." sagot ni Cathy

Nagpatuloy na lamang ang dalaga sa pagtapos ng kanyang trabaho.

Maya maya ay biglang may naalala si Franz.

"Syanga pala,.. bakit parang ilang araw ng hindi dumadalaw dito si Chinito..?" pagtatakang tanong nito

"Baka busy, siguro nag aasikaso sa birthday ni Mam Cindy.." sagot naman ni Joan

Huling nakita ni Cathy si Diego nong gabing tinapat nya ito. Simula noon ay hindi pa ulit dumadalaw ang binata doon. Kaya hindi rin nawala kay Cathy ang mag alala para kay Diego.

"Okay lang kaya sya,.?" tanong ni Cathy

Nagkatinginan si Joan at Franz sa naging tanong ni Cathy.

"At kelan ka pa naging concern kay Sir Diego, aber,... porke war lang kayo ng Miguel mo, bigla mo na syang naalala.." masungit na sabi ni Franz

"Wala itong kinalaman sa kahit na kanino, hindi ba ko pwedeng mag alala para sa kanya..?"

"Oo nga naman bakla.." sang ayon ni Joan

Maya maya ay lumabas si Miguel sa kanyang opisina, dala nito ang kanyang bag na tila aalis na. Dumeretso ito sa mesa ni Joan, habang si Cathy ay tahimik na nakikinig lamang sa sinasabi ni Miguel.

"Miss Castro, kapag may naghanap sakin, pakisabi bumalik na lang bukas, kelangan ko na kasi umuwi, para maghanda sa birthday ni Cindy.." wika ni Miguel

"Opo sige po Sir..." sagot ni Joan

Aalis na sana si Miguel ng biglang sumingit si Franz.

"Ay Sir Miguel,.. kung isasama nyo pa rin daw po si Cathy, sa birthday party ni Mam Cindy..?" tanong ni Franz kay Miguel

Nang marinig ni Cathy ang tanong ni Franz ay lumingon sya dito pagkatapos ay sinamaan ng dalaga ang tingin nya kay Franz.

Bago nman sumagot ay sumulyap muna si Miguel sa nakasimangot na si Cathy.

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon