THE NIGHT WHEN CATHY SAW MIGUEL AND CINDY KISSING...
Habang nakataklob pa rin ng kumot si Cathy sa kwarto ni Franz.
"Bakla, inaantok na ko.." wika ni Franz kay Joan habang nakatitig sa nakatalokbong na si Cathy
"Edi matulog ka na, dito ka na lang muna sa sofa.." turo ni Joan sa sofa na malapit sa kama
"Ano,.... Hindi pwede, mag vivideo call kami ng bf ko ngayun.." sagot ni Franz
"Oh eh ano nman, pwede nman, wag ka lang msyadong maingay.." paliwanag ni Joan
"Basta, hindi pwede..." naiinis na wika ni Franz
"Anong gusto mong gawin natin, hindi mo nman pwedeng gisingin yan, mahirap gisingin kapag broken.." wika ni Joan
"Ha, ganun ba yun..?" tanong ni Franz
"Oo,... Alam ko na, don ka na lang matulog sa kwarto nya.." suggest ni Joan
"Okay lang nman kaya yun..?"
"Oo okay lang yun, sige na, inaantok na rin ako ehh, sabay na tayo.."
Sabay na lumabas ng kanyang kwarto si Franz at Joan, dahan dahang isinarado ni Franz ang pinto, upang hindi magising ang broken na si Cathy.
Ngunit ilang minuto pa lang ng makalabas ang dalawa nyang mga kaibigan ay agad na inalis ni Cathy ang kumot na nakataklob sa kanya. Bumangon ito at nag isip habang nakaupo sa kama ni Franz, biglang tumulo ang kanyang mga luha ng maalala ang nasaksihan ng gabing iyun. Pinahid nya ang kanyang mga luha at kinuha ang kanyang telepono.
Ring....ring..
"Hello, Cathy.." sagot ni Diego
"Naisturbo ba kita..?" tanong ng malungkot na si Cathy sa kabilang linya
"Hindi, hindi nandito pa kami malapit sa dagat, nag iinoman, pero hindi nman ako umiinom ng marami, kunti lang.. " sagot ni Diego
"Pwede ba kitang makausap..?" tanong ni Cathy
"Ng personal?, sige sure, may problema ka ba, bakit parang malungkot ang boses mo, may nangyari ba..?" alalang tanong ni Diego
"Hintayin mo ko sa may tabi ng swimming pool, bababa lang ako.."
"Ah, sige sige.."
Mabilis na tumayo si Diego sa kanyang pwesto pagkatapos ay nagtungo kaagad ito papunta sa may swimming pool.
Samantalang si Cathy naman ay mabilis na tumayo sa kama, nag ayos muna sya ng kanyang sarili bago lumabas ng kwarto ni Franz. Paglabas ni Cathy sa kwarto ay napasulyap ito sa kwarto ni Cindy, dahil sa nasaksihan nya ng gabing iyun, inakala ng dalaga na doon natulog si Miguel sa kwarto ni Cindy. Mabilis syang nagtungo palabas para makipagkita kay Diego.
Nang makababa si Cathy ng hotel ay agad nyang natanaw ang nakatalikod habang naghihintay na si Diego. Agad nya itong nilapitan.
"Diego.." wika ni Cathy, agad namang napalingon si Diego
"Uy Cathy, may problema ka ba?, may nangyari ba..?" sunod sunod na tanong ni Diego
Agad na sumagot si Cathy.
"Diego, hindi ba sabi mo, mahal mo ko,.."
"Oo, sobra Cathy, mahal na mahal kita.." sagot ni Diego
Dahil sa sobrang sama ng loob kay Miguel ay nakapagdesisyon si Cathy ng labag sa kalooban nya.
"Sige, sinasagot na kita, tayo na.."
Nagulat si Diego sa sinabi ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa narinig nya.
"Ahh... Tama ba narinig ko?, Totoo ba Cathy?, sinasagot mo na ko..?" Excited na tanong ni Diego

BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomansaCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...