Nakatitig lang habang nakangiti ng maganda si Cathy sa Sir Miguel nya, habang busy ang binata sa pagpirma ng mga papeles na ipinasok nya.
"Sir, sino kayang nakaimbento ng washing machine..?" takang tanong ng dalaga, napakunot noo nman si Miguel dahil sa nonsense na tanong ni Cathy
"Aba malay ko, bakit hindi mo i google, pati ba nman yan kailangan mo pang alamin.." masungit na sagot ni Miguel kay Cathy
Napatawa ng bahagya ang dalaga sa naging sagot ni Miguel.
"Hindi na po kasi ako gumagamit ng google ehh.."
"Ohh, bakit nman?.." takang tanong ni Miguel habang busy pa rin ang binata sa pagpirma
"Eh kasi po, simula nong nakilala ko kayo, the search is over.." kinikilig na banat ni Cathy
Kitang kita nman sa reaksyon ng binata ang pagpigil nito sa kanyang pagtawa.
"Yung mga trabaho mo ba ay natapos mo na..? Ang aga mong mangbola dyan.." iniabot ni Miguel kay Cathy ang mga papeles na napirmahan na nya
"Tatapusin na po..." nakangiting sagot ni Cathy, agad na tumayo ang dalaga at mabilis na nagtungo palabas ng pinto ng opisina ni Miguel
Bahagyang napangiti si Miguel ng maalala ang naging banat ng dalaga sa kanya.
...........
"Hoy mga bakla, sa linggo ha, don't forget.." wika ni Franz kay Joan at Cathy
"Ohh ano nmang meron sa linggo?.." takang tanong ni Joan sa katabi nitong si Franz
"Birthday nya.." pagsingit nman ni Cathy
"Nagbibirthday ka pa pla, anong ganap..?"
"Kunting salo salo, inuman syempre, punta kayo ha, lalo ka na Cathy, paminsan minsan maglalabas ka man lang, hindi yung lagi kang nakakulong sa loob ng bahay nyo.." wika ni Franz sa busy na si Cathy
"Ay naku bakla, pasensya na, magsisimba kami ng araw na yun eh, saka nangako ako kay Nanay at Tatay na sasamahan ko sila na bumisita ulit doon sa mga bata sa children hospital.." paliwanag ng dalaga
Mataray nmang inirapan ni Franz si Cathy dahil sa naging paliwanag nito.
"Ano ba yan, ang hina ko nman pla sayo.." tampong sagot ni Franz sa dalaga
"Babawi na lang ako bakla, ibibili na lang kita ng gift.." lambing ni Cathy sa kaibigan nito
Maya maya ay nakita ni Franz si Miguel na papalabas ng kanyang opisina, patungo ito sa pwesto ng kanyang secretary na si Cathy.
"Tingnan natin kung hindi ka pa rin sasama.." mahinang wika ni Franz
"Ohh,... pakipasok na lang ulit sa opisina kapag nacheck mo na lahat.." wika ni Miguel kay Cathy, may iniabot itong mga papeles sa dalaga
"Sige po.." sagot nman ni Cathy
Akmang patalikod na sana si Miguel ng tawagin sya ni Franz.
"Sir, Sir Miguel.."
"Oh bakit..?" lingon ni Miguel kay Franz
"Ah ano, birthday ko po kasi sa linggo, may kunting handaan saka inuman, invite po sana kita Sir,.." sagot ni Franz
"Ha..? Ahh ehh.."
"Kasama po si Cathy.." mabilis na sabi ni Franz pagkatapos ay nakangiti itong lumingon sa dalaga
Nagulat nman si Cathy sa sinabi ni Franz kay Miguel.
"Hindi ba Cathy sasama ka..?" malumanay na tanong ni Franz kay Cathy

BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomanceCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...