CHAPTER 30

149 3 0
                                    

Dumating ang araw ng linggo, ang araw na pinakahihintay ni Miguel at Cathy, sa unang pagkakataon kasi ay lalabas ang dalawa at opisyal na mag dadate.

Maagang gumising si Miguel ng araw na yun, nag pa trimmed ng buhok ang binata, isinuot nito ang paborito nyang jacket, at sa kauna unahang pagkakataon ay nag shave ang balbas saradong si Miguel. Nag mukang 35 years old ang kwarenta anyos na binata dahil umaliwalas ang kanyang itsura. Lalong naging gwapong tingnan si Miguel, mas lalong bumagay sa binata ang kulay gray nyang mata at ang baby face look nito.

Alas otso ng umaga ng matapos si Miguel maghanda, bumaba ito upang magpaalam kay Yaya Belen.

"Good morning Yaya.." masiglang bati ni Miguel sa naglulutong si Yaya Belen

Nagulat ang matanda ng lingunin nito ang binata.

"Teka lang,.. Sino ka?, Anong ginagawa mo dito?, Nasaan si Miguel..?" sunod sunod na tanong ni Yaya Belen

Napatawa nman si Miguel sa naging reaksyon ni Yaya Belen sa kanya.

"May balak po ba kayong mag artista?.." natatawang tanong ni Miguel

Lumapit nman si Yaya Belen kay Miguel para usisain ito.

"Sinakyan mo na lang sana,.. lalo kang gumwapo ahh, anong meron?, mag poprose ka na ba..?" biro ni Yaya Belen sa ngumingiting si Miguel, naupo ang matanda at inayos ang mesang kakainan nila

"Haha, kayo talaga,... sige po una na po ako.." hinalikan ni Miguel sa noo ang kanyang Yaya 

"Teka sandali lang, saan ka ba pupunta?, ang aga pa ah, kumain ka man lang muna.." nakakunot noong wika ni Yaya Belen kay Miguel

Nginitian lang ng binata ang matanda, pagkatapos ay dumiretso na ito palabas ng pinto.

Masayang nagmaneho si Miguel papunta sa bahay nina Cathy, hindi nito sinabi sa dalaga ang oras ng kanyang pagpunta sa bahay, dahil gusto nyang surpresahin si Cathy.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin si Miguel sa bahay ng dalaga. Agad na nagdoorbell ang binata, nakita nitong lumabas ang ina ni Cathy na si Aling Helen.

"Ang aga, sino ba ito..?" tinanaw ni Aling Helen si Miguel sa labas, pagbukas ni Aling Helen ng sarado ng gate ay natulala ito sa gwapong muka na tumambad sa kanya.

"Maganda umaga po, Tita.." nahihiyang bati ni Miguel kay Aling Helen

"Ahh, magandang umaga din nman, ahh teka lang, manliligaw ka ba ni Cathy?, bakit parang nakita na kita..?" nagtatakang tanong ni Aling Helen sa bagong trimmed at bagong shave na si Miguel

"Ay, ako po Si Miguel, yung boss po ni Cathy.." nakangiting pakilala ng binata

Kitang kita sa muka ni Aling Helen ang pagkagulat nito ng marinig ang pangalan ng lalaking nasa harap nya.

"Ahh,... Sir Miguel..?" curious na tanong ni Aling Helen

"Opo.."

"Ahh, haha ay hindi ko kayo nakilala aba mas lalo kasi kayong gumwapo, ay halika ka, pasok pasok.."

Masayang pumasok si Miguel sa gate ng bahay, agad na nagtungo ang dalawa sa loob.

"Upo, upo po kayo,.... Roberto, Roberto.." malakas na tawag ni Aling Helen Kay Mang Roberto, agad nmang lumapit ang ama ni Cathy.

"Roberto halika, si Sir Miguel.." mabilis na tumayo si Miguel sa pagkakaupo nito ng makita nya si Mang Roberto na papalapit sa kinaroroonan nya.

"Magandang umaga po, Tito.." nakangiting bati ng binata

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon