CHAPTER 28

180 2 0
                                    

"Aray..... ang sakit ng ulo ko.." nakangiwing wika ni Cathy, habang hawak hawak ang kanyang ulo, kakagising lamang ng dalaga ng araw na iyun. Mukang napadami kasi ang inom nito sa birthday party ni Franz.

"Catherine... Catherine... Ano papasok ka ba? Kung papasok ka, abay bumangon ka na dyan at tanghali na.." maingay na katok ni Yaya Belen sa labas ng kwarto ni Cathy

"Opo babangon na po.." tugon ni Cathy

Nakangiwing bumangon ang dalaga, masakit talaga kasi ang ulo nito. Hindi nman kasi sanay si Cathy na uminom ng ganung karami. Agad na naligo ang dalaga, para mabawasan ang sakit ng kanyang ulo.

Hindi nakakain si Cathy ng umagang iyun, nasusuka kasi ito sa tuwing pinipilit nyang kumain. Sinabayan pa ng sermon ng kanyang ina. Pumasok si Cathy ng araw na yun na masakit ang ulo at hilong hilo pa. Hindi kasi sya pwedeng mag absent dahil may gagawin itong presentation para sa gaganaping meeting ng araw na yun.

Pumasok ang dalaga ng elevator na nasusuka pa. Sobrang sama ng pakiramdam ni Cathy ng araw na yun. Bago mag sara ang elevator ay humabol pa sa pagsakay si Miguel. Medyo namula ang binata ng abotan nya si Cathy sa elevator, naalala kasi ni Miguel ang ginawang pag amin ni  Cathy ng gabing yun. Nasa isip ni Miguel na baka hindi sya pansinin ni Cathy, dahil medyo magiging awkward iyun sa kanilang dalawa.

"Good morning Sir.." wika ni Cathy habang hawak hawak ang kanyang ulo

Nagulat si Miguel sa pagbati ni Cathy, tila parang wala lang sa dalaga ang naging pag amin nya.

"Okay ka lang..? Bakit ganyan ang itsura mo..?" takang tanong ni Miguel sa nakangiwing si Cathy

"Sobrang sakit po kasi ng ulo ko ehh, ang sama pa ng pakiramdam ko, naparami po ata inom ko kahapon, hindi ko na nga po alam mga nangyari kahapon eh, pag gising ko nasa bahay ko, hindi ko alam kung paano ako nakauwi.." nakangiwing paliwanag ni Cathy

Bahagyang napangiti si Miguel sa narinig nito, kaya pala parang wala lang sa dalaga ang nangyari kagabi, dahil wala pala itong natatandaan sa mga ginawa nya.

Maya maya ay may biglang dinukot si Miguel sa maliit na bulsa ng kanyang bag. Iniabot nya kay Cathy ang isang pain reliever na ipinapahid.

"Ohh, ipahid mo sa ulo mo, pwede mo ring amoyin yan kung gusto mo, kahit paano gaganda ang pakiramdam mo dyan.. "

Kinilig si Cathy sa pagiging concern ni Miguel sa kanya. Lumabas ito sa elevator na nakakangiti na. Naunang naglakad si Miguel kay Cathy, pero hindi pa masyadong nakakalayo ang binata ng bigla itong bumalik kay Cathy.

"Ahh Cathy, syanga pala, sa susunod kapag may gusto kang sabihin sakin mas maganda kung sa personal, para walang masyadong makakaalam.." nakangiting wika ni Miguel, tumalikod ang binata saka ito nagpatuloy maglakad papasok ng opisina, naiwan namang nagtataka si Cathy sa kanyang pwesto.

"Ano daw..?"

............

Kahit masama ang pakiramdam ay nagpatuloy pa ring nagtrabaho si Cathy. Hawak hawak ng dalaga ang pain reliever na ibinigay sa kanya ni Miguel.

Maya maya ay naisipan ni Franz na asarin si Cathy. Tumayo ito sa kanyang pwesto pagkatapos ay nagtungo sa harap ng mesa ng dalaga. Naglakad ng pabalik balik si Franz habang nakatitig sa dalaga. Napakunot noo nman si Cathy ng mapansin ang kaibigan nya.

"Ano ba yun? Ano ba yun bakla ha, para kang tanga dyan, may sasabihin ka ba..?" galit na tanong ni Cathy

"Aba at ikaw pa ang may ganang magalit ha, baka nakakalimutan mo na, yung mga pinag gagagawa mo kagabi.." mataray na wika ni Franz kay Cathy, agad nmang napatawa ng bahagya si Joan sa sinabi ni Franz

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon