CHAPTER 17

196 2 0
                                    

Kinabukasan maagang gumising ang lahat, agad silang naghanda at nag impake, sa araw na iyun ay pabalik na ang silang lahat sa Maynila.

Lumabas si Miguel ng kanyang kwarto, nadatnan nya si Cathy sa may pintuan ng kwarto nito, nasa tabi ni Cathy ang dalawang malaking bag na tila maraming laman. Lumapit sya kay Cathy para tulungan ang dalaga.

"Mukang mabigat yan ahh, kelangan mo ng tulong..?" tanong ni Miguel kay Cathy

"Hindi na po.." masungit na sagot ni Cathy

"Wala naman akong msyadong dala eh, akina, ako ng magdadala nong isa.." kinuha ni Miguel ang isang bag sa gawing kanan ni Cathy, agad nmang inagaw ni Cathy ang bag kay Miguel.

"Ako na nga po sabi.." masungit na wika nito, binitbit ni Cathy ang dalawang malaking bag palabas ng hotel, sa bigat nito ay halos hindi makalakad ng maayos si Cathy

Natatawa namang pinagmamasdan ni Miguel ang hirap na hirap na si Cathy habang buhat buhat ang kanyang mga bagahe.

"Anong problema non..?"

Sa labas ng hotel ay naghihintay doon ang bus na sasakyan nila pabalik ng Maynila. Kahit na hirap na hirap, ay nagawa pa rin ni Cathy na makarating sa Bus, agad nitong inilagay ang kanyang mga gamit sa ibaba ng bus.

"Bakla...." tawag ni Franz kasama si Joan

"Sabi mo hihintayin mo kami?, Kung hindi pa namin kinatok yung kwarto mo, hindi pa namin malalaman na nakaalis ka na pala, magmumuka kaming tanga ni Joan doon habang naghihintay sa wala.." masungit na wika ni Franz

"Pasensya na,.. may nangyari kasi.." inis na wika ni Cathy habang pinagmamasdan si Miguel na umaakyat sa Bus.

"Hayaan nyo na, tara na.." pagyaya ni Joan, ng makaakyat ang tatlo ay agad na natanaw ni Cathy si Miguel sa dulong upuan ng sasakyan, wala itong katabi sa mga oras na iyun.

"Cathy, pagkakataon mo na ohh, wala pa si Mam Cindy, unahan mo na kay Sir Miguel.." mahinang wika ni Joan kay Cathy

Naglakad si Cathy patungo sa pwesto ni Miguel, nakasunod nman sa kanya si Joan at Franz, ng makarating ito sa dulo ay napatitig si Cathy kay Miguel, agad nmang napansin ni Miguel ang nakatitig sa kanyang si Cathy.

"Ano, tatabi ka ba..?" nakangiting tanong ni Miguel kay Cathy

"Ayan Cathy, pagkakataon mo na, sige na.." wika ni Joan sa likod ni Cathy

Ngunit imbes na maupo sa tabi ni Miguel ay inirapan lamang nito ang binata at saka mataray na sumagot.

"Ang dami dami pong bakanteng upuan ohh, bakit ko nman ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo?.."

Umirap ito pagkatapos ay nagtungo si Cathy sa bakanteng upuan sa kabilang bahagi ng bus at doon naupo.

"Hala!.. Baka Cathy yan.." wika ni Franz saka ito sumunod kay Cathy sa kabila.

Maya maya ay dumating na rin si Diego, naupo ito sa tabi ni Miguel.

"Good morning, Bro..." masiglang bati ni Diego kay Miguel

Napangiti at napatingin si Miguel sa masiglang si Diego.

"Anong meron, bakit mukang masaya ka ata ngayun..?" tanong ni Miguel

Ngunit bago sagutin ni Diego ang tanong ni Miguel ay lumingon muna ito sa pwesto ni Cathy.

"Cathy...." nakangiting kaway ni Diego sa dalaga

Ngumiti nman si Cathy.

"Bro, anong meron..?" ulit na tanong ni Miguel

Ngumiti lang ng maganda si Diego.

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon