CHAPTER 16

146 2 0
                                    

Huling araw ng grupo nina Cathy sa resort, kaya maagang gumising si Cathy ng umagang iyon para enjoyin ang huling araw ng kanilang bakasyon.

Bumangon ang dalaga sa kanyang kama at agad na binuksan ang kurtina na nakatakip sa terrace ng kanyang kwarto, sinag ng magandang araw ang agad na sumalobong sa kanya.

"Good morning Batangas.." nakangiting wika ng dalaga

Ilang sandali pa ay lumabas ito ng kanyang kwarto, bumaba sya para mag umagahan. Pag baba ni Cathy sa restaurant ng hotel ay nakita nya si Diego, mag isang nakaupo sa mesa habang nagkakape. Agad syang lumapit sa binata.

"Good morning.." nakangiting bati ni Cathy kay Diego, umupo ito sa tabi ng binata.

"Uy Cathy ikaw pla, magandang umaga din sayo.." pilit na ngiti nito habang hinihilot ang kanyang ulo

"Okay ka lang ba..?" tanong ni Cathy

"Haha, okay lang medyo masakit lang ulo ko, hang over siguro...ay Cathy pasensya na ha,.."

"Para saan..?"

"Sa mga nasabi ko kagabi, hindi ko lang talaga napigilan nararamdaman ko ehh.."

Ngumiti lang si Cathy, habang humihigop ng kapeng kadadala pa lang sa kanya.

"Okay lang yun, naiintindihan ko.."

Tumingin si Diego kay Cathy.

"Pero, totoo lahat ng yun, mahal kita Cathy.." wika ni Diego habang nakatingin kay Cathy

Natigilan si Cathy sa sinabi ni Diego.

"Ay, haha ang aga ha.." akward na wika ni Cathy

Maya maya ay bumaba na rin si Miguel, papasok na sana ito ng restaurant ng makita nya si Cathy at Diego. Tatalikod na sana ang binata para bumalik sa hotel ng mapansin sya ni Diego.

"Bro, Miguel.." tawag ni Diego kay Miguel

"Hays,.." mahinang wika ni Miguel

Wala na itong nagawa kaya tumuloy na rin sya sa restaurant. Naka T-shirt lamang ng bumaba si Miguel, kitang kita dito ang magandang hubog ng kanyang katawan, kapansin pansin ang matitigas nitong mga dibdib at malalaking biceps, kahit 40 years old na ay napakaalaga pa rin ng binata sa kanyang katawan.

Lumapit ito sa dalawa saka naupo sa harapan nila.

"Magandang umaga.." bati ni Miguel kay Diego, hinila nito ang upuan sa kabilang bahagi ng mesa saka sya naupo.

Unang beses makita ni Cathy si Miguel na naka T-shirt lang, kahit kasi T-shirt lang din nman ang suot ng binata sa kompanya ay pinapatungan naman nya ito ng blazer na tumataklob sa kanyang katawan.

Kapag nasa labas ang binata, ay naka T-shirt lang din ito pero parati itong naka leather jacket, ganun ito kasimple.

Napalunok na lamang si Cathy habang pinagmamasdan ang Sir Miguel nya.

"Cathy.." tawag ni Miguel

"Sirr?.. " tarantang tanong ni Cathy

"Magandang umaga..." nakangiting bati ng binata

Napangiti ng maganda si Cathy.

"Kamusta Diego?.." baling ni Miguel sa nakahawak pa rin sa kanyang ulo na si Diego.

"Heto, hang over.."

"Inom pa ulit.." nang aasar na wika ni Miguel

"Haha, porke hindi sya umiinom,.. okay lang, at least nasabi ko ang gusto kong sabihin.." wika ni Diego sabay tingin kay Cathy.

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon