"Babe...." nakangiting tawag ni Diego habang nakatitig sa busy na si Cathy
"Ano yun..?" takang tanong ni Cathy sa nakaupong si Diego sa harap ng mesa nya
"Sabi ko Babe.."
"Okay lang ba na, yun yung itawag ko sayo..?" tanong ni Diego kay Cathy
Ngumiti lang si Cathy.
"Ikaw bahala.."
Maya maya ay biglang nagsalita si Franz.
"Ehemm..., maging sensitive nman po tayo sa nararandaman ng mga single dito.."
"Haha, sorry.." sagot ni Diego
"Haha hayaan nyo na yang si Franz Sir Diego, naiingit lang yan.." sagot nman ni Joan
Sa gitna ng masaya nilang usapan, may isang lalaking biglang pumasok sa silid nilang iyun, hinahanap nito si Miguel.
"Where's your Boss..?" galit na tanong ng lalaki sa isang empleyadong nandoon
Nang hindi sumagot ang empleyado ay lumapit ang lalaki kay Diego.
"Diego, nandyan ba si Miguel..?" galit na tanong ng lalaki
Napatayo si Diego ng makita ang galit na lalaki.
"Tito, ano pong kelangan nyo kay Miguel..?" tanong ni Diego sa lalaki
Hanggang sa kanyang opisina, ay rinig na rinig ni Miguel ang sigaw ng lalaki. Kaya nagdesisyon na itong lumabas na ng kanyang kwarto.
"Tito Hubert..." tawag ni Miguel sa lalaki
Agad nmang lumingon ito sa kanyang likuran, ng makita nya si Miguel ay agad nya itong kinompronta.
"Don't call me Tito, walang hiya ka.." galit na sabi ng lalaki kay Miguel
Nagulat ang lahat ng empleyadong nandoon sa naging pag asta ng pamilyar na lalaki kay Miguel.
"Tito, ano po bang problema..?" mahinahong tanong ni Miguel
"Hindi mo alam kung anong problema? walang hiya ka, matapos mong paasahin ang anak ko, matapos kang makinabang sa mga naitulong namin sa kompanya nyo, ganito pa igaganti mo..?" galit na sagot ng Daddy ni Cindy
Nanatiling kalmado pa rin si Miguel sa mga salitang binitiwan sa kanya ng daddy ni Cindy. Habang si Diego nman ay nakaalalay lang sa Tito Hubert nya.
"Pag usapan po natin ng maayos Tito, magpapaliwanag po ako sa inyo.." magalang na sagot ni Miguel
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, alam mo ba kung anong nangyari sa anak ko? Matapos nyang makabalik sa France, hindi na sya makausap ng maayos, nawalan na rin sya ng gana kumain, gabi gabi daw syang umiiyak, and it's all because of you, kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad.." galit na banta ni Hubert
"Ipinaliwanag ko po ng maayos yun kay Cindy, pasensya na Tito, pero kung pakakasalan ko po si Cindy, magiging unfair lang po yun sa kanya, dahil hindi ko po sya mahal.." diing sabi ni Miguel
Dahil sa galit, ay agad na sinuntok ng Daddy ni Cindy ang binata sa mukha nito, sa lakas ng suntok ay napaatras si Miguel. Agad nmang nahawakan ni Diego ang kanyang Tito Hubert. Kitang kita sa muka ni Cathy ang pag aalala nito kay Miguel.
"Tito, tama na po.." awat ni Diego sa Tito Hubert nya habang nakahawak sa mga braso nito
"Wag kang makialam dito Diego,... at ikaw nman, kung hindi mo babalikan ang anak ko, ipupull out ko lahat ng shares ko sa kompanya mo, tingnan natin kong saang kangkungan kayo pupulutin kapag nangyari yun.." banta ni Hubert sa nakayukong si Miguel
![](https://img.wattpad.com/cover/279031421-288-k791218.jpg)
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomanceCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...