CHAPTER 25

101 2 0
                                    

Hindi nakatulog si Miguel ng gabing iyun, iniisip pa rin nya kung paano nagawa ni Diego iyun kay Cathy, gayung kakasabi lang ng binata kung gaano nya kamahal si Cathy. Inaalala rin ni Miguel ang dalaga, dahil tila hindi ito okay ng umalis ito ng gabing iyun.

Pagkatapos pagmasdan ni Diego ang papalayong taxi na sinakyan ni Cathy ay nagdesisyon ang binata na sundan si Cathy sa bahay nila. Pero hindi sya hinarap ng dalaga. Umuwing mag isa si Miguel na may pag aalala, tinatawagan nya ang telepono ni Diego ngunit hindi nman ito sinasagot ng binata.

............

Kinabukasan ay maagang pumasok si Miguel sa opisina, sinulyapan ni Miguel ang pwesto ni Cathy ngunit wala pa doon ang dalaga. Naisip ni Miguel na baka hindi muna papasok si Cathy ng araw na iyun dahil sa nangyari.

Pagpasok ni Miguel ng kanyang opisina ay agad nitong naisipang kontakin ulit si Diego, ngunit katulad kagabi ay hindi parin sinasagot ni Diego ang tawag nya, pinapatayan lamang sya ng binata.

"Tskk.." inis na wika ni Miguel

Sumandal ito sa kanyang upuan saka ipinikit ni Miguel ang kanyang mga mata, habang hinahaplos ang kanyang ulo na tila problemadong problemado.

"Hay.."

Maya maya ay may biglang kumatok sa pintuan ng kanyang opisina. Agad nman nyang inayos ang kanyang pwesto.

"Pasok.."

Nagulat si Miguel sa babaeng pumasok. Seryusong Cathy ang bahagyang lumapit sa kanya.

"Sir, pinapabigay po ng finance department, pakipirmahan daw po.." seryusong wika ni Cathy

Bahagyang pinagmasdan ni Miguel ang seryusong si Cathy. Nahihiya itong magtanong kung okay lang ba ang dalaga. Pero kung titingnan ang itsura nito ay mukang hindi pa nga sya okay.

"Salamat, iaabot ko na lang sayo mamaya.."

Mabilis na lumabas kaagad si Cathy sa opisina ni Miguel. Nanibago ang binata kay Cathy ng araw na iyun, hindi sya sanay na makitang seryuso ang dalaga. Tuwing umaga kasi kapag pinapatawag nya ito ay ngingitian sya nito ng maganda saka babati ng masigla. Pero hindi ganung Cathy ang nakita nya kanina.

................

"Cathy okay ka lang ba..?" alalang tanong ni Joan sa katabi nitong si Cathy, lumingon nman si Cathy at bahagyang ngumiti kay Joan

Buhat kasi ng pumasok ito ng umagang iyun ay hindi man lang sila binati ng dalaga. Kaya batid ni Joan at Franz na may problema nga ang kaibigan nila. Nagkatinginan lang si Joan at Franz ng makumpirma ang kanilang hinala.

Dahil hindi mapakali si Miguel sa lagay ni Cathy, maya't maya itong lumalabas sa kanyang opisina para usisain ang dalaga.

"Miss Gonzalez, okay na ito, may mga pipirmahan pa ba ko..?" malumanay na tanong ni Miguel habang inaabot kay Cathy ang mga papeles na pinirmahan nya.

"Wala pa po sa ngayun, ipasok ko na lang po ulit kapag meron.." seryusong sagot ni Cathy

"Ahh, ah ehh, yung report na pinapagawa ko sayo, tapos na ba..?"

Agad na hinugot ni Cathy ang folder na nasa ilalim ng iba pa nyang report na ginagawa. Mabilis nya iyung iniabot kay Miguel.

"Ito po.."

"Ahh nice, ang bilis.." manghang wika ni Miguel

"Mas okay pala ito kapag broken, ang bilis gumawa.." mahinang biro ni Miguel

"Ano po yun?.." masungit na tanong ni Cathy

"Ha? Wala, wala, sige mamaya na lng ulit.." bahagyang naglakad pabalik si Miguel ng kanyang opisina

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon