Chapter 1

14.9K 202 15
                                    

" Pareng Al, wait."

Mabilis niyang hinabol ang kasamahan na papasakay na sa Jeep Grand Cherokee nitong sasakyan.

" Sino na naman tinatakbuhan mo, ungas ka?"

Naiiling nitong tanong sa kanya na nauna pa siyang sumakay sa sasakyan nito.

" Si Boss, baka ipa tawag ako."

Sagot niya dito ng pumasok na ito sa sasakyan at maupo sa driver side.

" Hindi mo matatakasan si Boss Logan. Saka ikaw na lang natitira na hindi pa na rotate kay, Miss Gia."

Pinaandar na nito ang sasakyan, kaya nakahinga siya ng maluwag. Akala niya pababain siya nito.

" Bakit napapadalas yata ang uwi mo sa inyo?"

Pag iiba niya ng usapan.

" Kailangan kong bantayan si Mago. Mahirap na."

Sagot nito na tumiim ang bagang. Kaya napangiti siya. Simula ng dumating ang kapatid nito na namalagi ng matagal sa California ay hindi na nito magawa ang kadalasan nitong routine. Mambabae at ang manatili sa Paradise Highland Resort. Ang resort na orihinal na itinayo ng mga military.

Ang founder ng naturang resort ay ang ama ng kasalukuyan nilang boss na si Logan Cervantes, isang retired na marine. Hanggang mag open iyon sa mga katulad nilang mga nasa military. Nagpa enlists sila sa security agency na iisa din ang founder.

" Tsk, mabuti na lang wala akong kapatid na babae. I'm not thinking of karma."

Malaki ang ngisi niya na nilingon ito.

" Gago ka, pag magka anak ka sana puro babae."

Pagmumura nito sa kanya na tinawanan lang niya.

Hanggang tulugan niya ito sa byahe at nagising na lang siya sa paghinto ng sasakyan. Pupungas pungas siyang i ginala ang tingin.

" Pre, naglipat na ba kayo ng bahay?"

Nagtataka niyang tanong dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar.

" Tsk! Nasa school tayo sunduin ko lang si Mago."

Sabi nito at bumaba na ito ng sasakyan. Naiwan siyang nilalaro ang dark shades habang nakatingin sa labas ng bintana.

" Ang daming fresh."

Natatawa niyang sabi ng may mga grupo ng mga estudyante napadaan. Marahil nga nasa senior high school. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at bahagyang isinungaw ang mukha.

Ang mga napalingon ay hindi napigilan ang bahagyang pag tili at pag pula ng mga pisngi.

" Ka cute naman talaga!"

Sumilay ang mga ngiti niya sa labi. Panibago sa kanyang paningin ang ganito. Dahil ang kadalasan niyang nakikita ay mga brusko niyang kasamahan.

Nilingon niya si Al, na ganundin ang eksena ng mga estudyante dito. Nililingon at hindi tinatago ang pagka kilig habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Pero para lang itong estatwa na naka tayo. Ang mga braso ay nasa dibdib.

Hanggang may isang dalagita na patakbong lumapit kay, Al. Agad itong yumakap at humalik sa pisngi nito.

" She must be Mago."

Mahina niyang usal habang nakatingin sa dalagita na natatabunan ng malaking katawan ni Al.

" Ang pogi!"

Nabaling ang pansin niya sa mahinang tumili at nakita na lang niya na naka umang na ang cellphone sa kanya.

Itinaas niya ang mga palad at bahagyang ngumiti.

" Mukhang enjoy na enjoy ka ah!"

Bahagya pa siyang tinampal ni Al sa balikat kaya napabaling siya nito na malaki ang ngiti. Agad nitong ini start ang ignition. Lumingon siya dahil sa bagong amoy na nanuot sa kanyang ilong. Napaka banayad sa ilong, parang ang sarap amuy amuyin.

Nakasalubong ng kanyang mata ang kakaibang kulay na mga mata ni Mago. Is it green? She's looking at him at bahagya nawalan siya ng sasabihin sa kagandahan na tumambad sa kanya.

" Iba yata ang nasundo mo, Pareng Al."

Sabi niya na nakatingin pa din sa dalagita,matapos ang ilang saglit na pinagmasdan ito. Green eyes, curly blonde hair, kissable lips, and fair skin. Pasado ito sa mga role na mga fairy or angel sa mga pelikula.

Tumikhim muna si Al, kaya bumaling siya dito.

" Mago, don't mind him. Asungot lang iyon."

Kausap nito sa kapatid sa rearview mirror. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.

" Mago, I'm..."

" Daleon, don't think about it!"

Mabilis na putol ni Al sa sasabihin niya. Kaya tinawanan niya ito.

" Pare naman. Anong masama na ipakilala ko ang sarili ko sa kapatid mo? Aside from you, ayaw mo noon mayroon pa siyang ibang Kuya?"

Eksaherado niyang sagot at pagtatanggol sa sarili sa ibig na palabasin ni Al.

" Good! Mabuti at sa iyo na nanggaling."

Nilingon nito si Mago na sumandal sa backrest at humalukipkip. She looks annoyed.

" Mago, this is Daleon but you can call him Kuya Josh."

Sabi ni Al na kita niya ang pagsimangot nito.

" And why I will call him Kuya? He's not my brother."

Masungit nitong sabi at ang tingin ay inilipat sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Kunsabagay Pareng Al, may punto siya."

Sabi na lang niya na sinamaan naman siya ng tingin ng kaibigan.

" Mago, I don't care if you don't want to call him Kuya. Just ignore him."

Utos ni Al sa kapatid nito. Isang tawa lang ang sagot niya at muli itong sinulyapan sa rearview mirror. Physically she's a grown woman, pero ang alam niya nasa senior high school pa lang ito. Marahil tatlong buwan pa lang dito sa Pilipinas.

" Hindi mo pupuntahan ang bago mong girlfriend?"

Pukaw ni Al sa kanya. Inilayo niya ang tingin sa dalagita.

" Wala na."

Maiksi lang niyang sagot na tumingin din sa labas ng sasakyan.

" Tsk. Nakakadami ka na Daleon. Balak mo yata ubusin ang mga babae dito sa Pilipinas."

" Grabe ka naman! Pareho lang naman tayo.Saka darating naman ang tamang babae."

Sabi niya at sumandal. Isinuot niya ang kanyang maitim na sunglasses.

" Getting tired of playing with girl's emotion ha?"

" Nagsalita! Pareng Al, I'm not playing their emotions, we're playing each other's human anatomy."

Isang mura ang inabot niya mula sa kaibigan sa kanyang sinabi.

" Gago, may bata tayong kasama."

" I'm not a kid anymore, Kuya."

Singit ni Mago. Alam niya nakatingin ito sa kanya kaya siya lumingon.

" How old are you Mago?"

Tanong niya in a very friendly tone.

" We're not close don't call me Mago. I'm Mari Gold, call me that."

Nakataas ang kilay nitong sabi, at nakahalukipkip.

Mahinang natawa si Al, pero isang ngisi lang ang sagot niya sa pagtataray ni Mago.

" Okay, Mari Gold it is."

Sa ilalim ng kanyang maitim na salamin ay muli niyang inaral ang maganda nitong mukha.

Sayang! I was born early!

A/ N: Special date lang kaya ako nag published. 😊 Saka na po ang update after ni Boss Logan.✌️

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon