Chapter 32

4.6K 124 11
                                    

" Bakit ganyan ka makatingin?"

Nakangiti na tanong ni Mago. Naka upo ito sa gilid ng kanyang kama.

"Pinag iisipan ko lang kung baba ba ako o ibaba ko ang panty mo?"

Malakas na tumawa si Mago sa kanyang sinabi.

"Bumaba ka na Daleon. Pasalamat na din natin at hindi mahirap kausap ang parents mo. Hindi ka niya pinaharapan,  ganun din ako."

Sabi nito na dapat maging madali sa kanya ang pagpili na bumaba saglit. Pero nahirapan siyang talikuran si Mago. Ito na naman ang posisyon nito na nakatukod ang dalawang palad sa bandang likuran, carrying her weight. Habang nakatingala sa kanya.She crosses her leg. She's not seducing him, but the sight of her in his bed makes him ache.

Napaungol siya at lumapit dito. He lean to her, ang mga palad niya ay itinukod din sa magkabila nitong gilid. He gives her a passionate kiss. Tinanggap nito ang kayang halik habang nakatingala pa din ito sa kanya.

Parehong kumikislap ang kanilang mata na bahagya silang nagka titigan. Alam niyang kunti na lang hindi na niya magagawa na bumaba.

" Go! Ako na ang mag baba ng panty ko. Pagbalik mo, ready na ako."

Pilya nitong ngiti at bahagyang siyang itinulak. Napaungol na lang siya sa pagpipigil na angkinin ito sa oras na iyon.

Tumuwid siya ng tayo saka nagpaalam kahit napipilitan lang.

" Babalik agad ako."

Sabi niya at mabilis na tumalikod. Dahil isang sulyap pa ni Mago sa kanya mapapatid na ang kanyang pagpipigil sa sarili.

Pagbaba niya sa nagka kasiyahan, agad na hinanap ng kanyang mga mata ang pakay.

" Good evening, Xenia. Hello Sir."

Nakangiti niyang bati sa mga ito. Bumaling ang mga ito sa kanya. Humalik pa sa kanyang pisngi si, Xenia.

" How are you, Joshua? We were surprised by this party. Mayroon ka daw mahalagang announcement?"

Nakangiti na sabi ni Xenia. Sumulyap siya sa kanyang mga magulang na nasa tabi niya.

" Well yeah! Siguro panahon na para pagbigyan ko si Papa. Handa na akong tanggapin ang posisyon niya."

Parehong nagulat ang kanyang magulang sa kanyang sinabi. Pero kababakasan ng kasiyahan.

" Finally!"

Masaya na sabi ng kanyang ama.

" I have to. I only want the best for my future wife and children."

Malaki ang ngiti niya sa kanyang mga magulang. At naiintindihan nito ang ibig niyang sabihin.

" Ang laki ng nagawa niya sa buhay mo, Joshua."

Sabi ng kanyang ina.

" I will do everything for her, Mama."

Alam niya nakikita ng mga magulang ang pagmamahal sa kanyang mukha. Ang kasiyahan sa kanyang mata ay hindi niya maitago. Isipin pa lang na nasa kanyang silid si Mago ay parang gusto niyang mag sisigaw sa tuwa.

" Let's announce the good news ."

Sabi ng kanyang ama, at kinuha ang atensyon ng mga bisita. Matapos siyang ipakilala ay masayang ini anunsyo ng kanyang ama ang pamamahala niya sa buong kompanya.

" I want all of you to support my son. Kung paano ninyo akong sinuportahan."

Huling salita ng ama at itinaas ang hawak na champagne. Madami ang bumati sa kanya at nakipag usap. Kaya para siyang nakahinga ng maluwag ng magkaroon ng pagkakataon na makaaalis sa mga bisita.

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon