Akala niya madali maging bodyguard ni Mago pero mas mahirap pa pala ito kaysa kay Miss Gia.
Ngayon lang siya nauubusan ng pasensya.
" She's an actress 'pre. What do you expect?"
Nakapanood sila habang may kinukunan na eksena ang mga ito. Bed scene ang kinukunan na eksena at masakit sa kanyang mata.
" Tumingin ka na nga lang sa malayo. O kaya ayusin mo mga props i check mo."
Utos sa kanya ni Dranreb. Ang mga props na mga baril ay pag aari ng security agency. Kaya iyon ang napag balingan niya. Ang mga baril din ang dahilan bakit sila nandito.
Pero sa eksena na maghahalikan na sina Mago at Bruce napasulyap siya.
Bang!
Lahat natigil at napalingon sa kanya na may hawak na baril.
" I'm sorry! I accidentally pull the trigger."
Hingi niya ng paumanhin. Lalo na sa director na masama ang tingin sa kanya. Sina Xander at Dranreb ang malaki ang ngisi sa ginawa niya.
" Okay, stand by."
Sabi ng director at muling sumigaw ng action.Bago pa maglapat ang labi ng dalawa ay muling pumutok ang hawak niyang baril.
" What is wrong this time?!"
Sigaw ng director.
" I thought there's a snake."
Sagot niya at nakatingin sa lubid na kanyang binaril. Kahit na alam naman niya na blank shells ang naka load sa baril.
Natatawa na lumapit sa kanya si Xander.
" Continue, we just have a break."
Kinuha nito ang baril at ibinalik sa mesa.
" Maglakad lakad muna tayo."
Pagyaya sa kanya ni Xander. At sa kanyang palagay ay tama ito.Kailangan niyang makalayo kay Mago.
" Pambihira ka, 'pre. Paano matatapos ang eksena kung nang di distract ka? Kailangan nila matapos sa time frame."
Hindi siya nagsalita. Naupo lang siya sa nakatumba na puno na nandun.
" I really want to talk ko her."
Hindi niya mapigilan na mag sentimyento.
" Pag hindi yong Bruce na iyon. Yong PA naman niya ang anino niya. Sa banyo lang yata siya naiiwan mag isa."
Sinipa pa niya ang buhangin sa inis. Tatlong araw na ang lumipas at hindi man lang siya nabibigyan ng pagkakataon na ma solo si Mago.
" Gusto mo kidnapin natin?"
Suhestiyon niya sinamaan lang niya ito ng tingin.
" It won't work. She was willing before, maybe she's avoiding me now."
Malungkot niyang sabi.
" You've waited five years, 'Pre. Konting tiis pa."
Tinapik siya sa balikat ni Xander at inabutan ng bottled water.
" Iyon na nga limang taon! Pare limang taon sobrang tagal noon. And I need just a minute of her time para matapos na ang agony ko."
Sabi niya na sa dagat nakatingin. Sa naka himpil na luxury yacht na tinutuluyan ng mga staff at crew ng nasabing pelikula.
" Hindi tayo papayag, ' pre. Bago bumalik si Mago hindi lang minuto ang makukuha mo."
Kunot noo siyang bumaling dito.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
Romance" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...