Chapter 31

4.4K 115 5
                                    

" Mama, I want you to meet Mago. She's my fiancé."

Pakilala niya kay Mago na inakbayan niya at hinarap sa kanyang ina.

" Hello, po."

Bati ni Mago at nag beso sa kanyang ina na mukhang natulala. Hindi ito nagsalita at hindi maitago ang pagka gulat.

" We thought, Xenia, is your girlfriend?"

Tanong nito at tumitig kay Mago. Bago pa makagawa ng eksena ang ina ay nagsalita na siya.

" I will explain in the study room."

Sabi niya at giniya niya si Mago papunta sa kanilang study room. Binalewala ang mga mata na nakasunod sa kanila. Nagsisilbi din itong opisina ng ama dito sa mansion.

May pagtataka man sa mga bisita ay hindi niya pinansin. Pagpasok nila sa silid pinakawalan ni Mago ang pinipigilan na reaksiyon sa narinig.

" What was that Daleon?"

Tanong nito madilim ang mukha at salubong ang magandang kilay.

" I will wait for my parents and will talk about it."

Sabi niya at inalo ito. He caresses her cheek.

" Ikaw lang ang pakakasalan ko. Pag handa ka na."

Pag bibigay niya dito ng katiyakan. Ang balak niyang pag halik dito ay naudlot dahil sa pagbukas ng pinto.

"Care to explain, Joshua?"

Sabi ng kanyang ama at pinag lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

" First, meet my girlfriend, Mago. I first met her when she was seventeen. And maybe both of you have an idea why I'm still unmarried. Kahit na lagpas trenta na ako. I was waiting for her."

Saglit na namayani ang katahimikan sa silid.

" How about Xenia? We thought nagkakamabutihan kayo?"

Maya maya ay tanong ng kanyang ama. Maging si Mago ay tiningnan siya. Lahat naghihintay ng isasagot niya.

"May sinabi ba siya sa inyo na kami na?"

Tanong naman niya sa mga magulang.

" Pero lumalabas kayo, you're inviting her sa mga event ng elite circle mo. At hindi mo pinabulaanan ang haka haka namin ng Papa mo."

Sabi ng kanyang ina at mahina lang siyang natawa.

" I have no choice! Ako ang sentro ng elite dahil ako lang ang walang asawa sa mga batch namin. I need a partner sa mga event. At iyon lang iyon! At hinayaan ko na lang kayo ni Papa na isipin na nagkakamabutihan kami. Para hindi na din ninyo ako kulitin. Kelan ako mag aasawa o kelan ko kayo bibigyan ng apo."

Mahaba niyang paliwanag.

" Kailan nga ba?"

Tanong ng kanyang ina. Napabaling siya kay Mago na alanganin na ngumiti.

" Ang apo malapit na. Don't worry Ma, Pa I will not grow old alone."

Matamis siyang ngumiti sa mga magulang.Na mataman na nakatitig kay Mago.

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon