" Kapansin pansin ang pananahimik mo, Daleon?"
Bahagyang iniumpog ni Logan ang hawak na beer sa kanyang tuhod. Dumating din ito ng pa gabi na, kasama si Travis na nag transport dito.
" Tsk, nagtatanong ka pa boss?"
Ganti niyang sagot dito. Isang smirk lang ang sagot nito sa kanya.
" It's your time to rotate, Daleon. Wag ka ng mag reklamo."
Sabi nito, pero alam naman niyang wala siyang magagawa.
" Just give me a long vacation after my assignment."
" Sure! Basta ayusin mo at makatapos ka sa isang buwan na duty mo kay Gia."
Mabilis nitong sagot at napakamot siya sa batok.
" Isang buwan?! Si Xander lang ang pwede makagawa noon!"
Reklamo niya dahil iyon ang totoo. Only Xander Martinez completed the assignment.
" Best, elite! What to do?"
Malaki ang ngisi nito. Napaka professional kasi nito.
" Ikaw na lang ulit."
Sabi ko, pero itinaas lang nito ang mga kamay.
"Give chance to others!"
May ngisi pa nitong sabi.
"Gago mo!"
Angil niya dito. Pero hindi naman ang susunod niyang assignment ang gumugulo sa kanya kundi si Mago at ang panaginip niya.
"Good luck, Daleon."
Sabi ni Al sa kanya na tinanguan niya. Lumalim ang gabi hanggang maging tipsy ang lahat.
"Sa swimming pool tayo."
"Alright!"
Lahat ay nagkanya kanya ng tayo. Tradisyon na sa resort ang mag party sa swimming pool.
"Pass ako."
Sabi ni Dranreb at bago pa mahawakan sa kuwelyo ni Xander nakalayo na ito.
" May sa palos talaga ang loko."
Natatawa niyang sabi ng likod na lang ni Dranreb ang makita nila.
" May araw din iyang si Dranreb, wag na wag siyang lalapit sa atin para magpaturo."
Iiling iling na sabi ni Xander. Ang frustration nila kay Dranreb ay nawala ng makarating sila sa swimming pool.
" Oh la la."
Hindi mapigilan na mapa sipol ni Xander sa eksena sa poolside. Karamihan halos ay hubad na.
" Hmm, good view."
Nakangiti na sabi ni Logan at lumapit sa mga bakanteng reclining chair na nasa poolside.
" This is why I love weekends."
Nakangiti na sabi ni Al, kaya nilingon niya ito.
" Na miss mo ang ganitong weekend ha?"
" Definitely!"
Sabi nito at hinapit sa beywang ang babae na lumapit at bumulong dito.
" I will be in the treehouse hotel."
Paalam nito at inakbayan ang babae papunta sa treehouse hotel.
" Na deprived na yata si Pareng Al at hindi na makatiis."
Sabi ni Logan at tumayo mula sa reclining chair. Ilang sandali lang at unti unting nawala ang mga kasamahan sa gilid ng pool. Kasama ng mga babae na nandito din sa parehong dahilan.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
Romance" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...