" Anong ginagawa ninyo dito?"
Tanong niya sa mga kasamahan na nasa pool area.
" Oh, Hi Daleon. Hello Mago."
Bati ni Xander na akala niya ay umuwi na dahil miss na kuno ang asawa at anak.
" Hello, kuya."
Bati ni Mago na nakapulupot ang braso sa kanya at naka akbay siya dito.
"Kayo? Ano ang ginagawa ninyo sa dis oras ng gabi?"
Tanong ni Dimayuga na may hawak ng bote ng beer.
" Walang kuryente sa treehouse ni Pareng Al. Hindi kami maka ligo. I'm trying to call all of you pero walang nasagot."
Sabi niya sa mga kasamahan na nag kakasiyahan na uminom sa tabi ng swimming pool.
" Ha? Wala ba?"
Maang na tanong ni Xander.
" Wala! Bakit hindi kayo nasagot sa tawag ko?"
" Sensya na nag busy lang."
Sagot ng mga ito. Maya maya ay nagpaalam sa kanya si Mago.
" Mag swimming na ako."
" Okay, I'll join you later. Ka kausapin ko lang sila."
Sabi niya at hinayaan na makalayo si Mago. Hinubad nito ang suot na bestida. At sa loob naka two piece ito. Showing her sexy curves.
"Eyes on me!"
Sabi niya sa mga kasamahan na nakatingin kay Mago.
" Possesive! Public figure si Mago, baka mapa away ka lagi niyan."
Biro ni Xander sa kanya.Mahina lang siyang umungol.Saka nilingon si Mago na mukhang naging maginhawa ang pakiramdam.
" Pinatay na nga namin ang ilaw para walang labasan. Okay na ba kayo?"
Tanong ni Dimayuga, kaya nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
Tumaas naman ang kamay ni Xander at malakas na tumawa.
" Gago ka, Dimayuga.Nakalimutan mo na yata ang golden rule. Walang aaminin !"
Mahina pa itong sinuntok ni Xander sa braso.
" Kagagawan ninyo pala."
Hindi iyon pagtatanong kundi kumpirmasyon.
" Para maging cozy and intimate ang pag uusap ninyo."
Alanganin ang ngisi ni Dimayuga sa kanya.
" Mga gago talaga kayo."
Naiiling niyang sabi at tinalikuran na ito.
" Psst! The long wait is over na ba?"
Pahabol ni Xander. Naka enroll din yata ito sa Mosang Academy!
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
Romance" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...