Chapter 2

6.9K 143 10
                                    

" Can't sleep?"

Muntik na siyang mapatili sa tinig na iyon. Mula sa madilim na bahagi ng kanilang garden lumabas si Daleon kung tawagin ng kanyang Kuya Al.

May hawak itong bote ng beer at tumabi ng upo sa pandalawahan na swing na nandito sa kanilang garden.

" It's still early."

Matipid niyang sagot at tumipa tipa sa hawak na acoustic guitar. Mahilig siya sa musika, kaya siya ipinadala ng kanyang ama dito sa Pilipinas dahil hindi niya napag tutuunan ng pansin ang kanyang pag aaral. Ang akala ng ama ay matatakot siya sa kanyang Kuya na retired US air force.

" Sabagay malaki ka na naman. You don't need to sleep early para lumaki ka."

" So, naniniwala ka din na pag tumalon sa new year eh tatangkad?"

Hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagbaling sa kanya.

" You can speak Tagalog?"

Gulat nitong tanong na inirapan lang niya.

" I'm Filipino, duh?"

Aniya at nagsimula na siyang tumugtog sa gitara na mahina lang.

" Well, you didn't stay in the Philippines."

Parang hindi makapaniwala nitong sabi.

" My nanny, my Daddy, and Kuya speak to me in Tagalog. Para hindi daw ako mai benta pag umuwi ako dito."

Sumilay ang matamis nitong ngiti, kaya nag iwas siya ng tingin. Gwapo talaga ang Daleon na ito.

" Alam mo, with your looks, tapos nagtatagalog ang cute mo lalo tinggnan, Mago."

Sabi nito. Mabuti na lang at malamlam na ilaw sa garden lang ang nagbibigay liwanag sa kanila kaya hindi nito marahil pansin ang kanyang pamumula sa papuri nito.

" Di ba, we're not closed? Call me Mari Gold."

Tinabunan niya ang kanyang pag blush sa pag susungit dito. Pero tumawa lang ito at mas humarap pa sa kanya. Ang kamay ay inihaba sa sandalan ng chair swing.

" C'mon, ganito kami ka close ni Pareng Al."

Pinag crossed pa nito ang daliri.

"Wala pa kami mga anak pero kumpare na ang tawag ko sa kanya. At ang malapit sa kanya dapat closed na din sa akin."

Tiningnan niya ito na laking pagkakamali niya.He's looking at her intently, na parang hinahanapan siya ng mali sa mukha.

" Fine! Call me Mago!"

Pagsuko niya ay inirapan ito ng tingin para mawala ang mata niya sa mukha nito. He is handsome, hindi na siya magtataka na totoo na mauubos nito ang babae sa Pilipinas. Ang ngiti pa lang nito ay nakakapag pa bilis na ng tibok ng kanyang puso. Ang mga tingin nito na parang sumasayaw ang mga mata ay nakakapag palunod sa kanya.

" Good! Let's celebrate our being closed together."

Sabi nito at uminom ng beer sa bote.

" Sure Kuya!"

Aniya na pabiro, pero nasamid ito at tiningnan siya. Tumawa lang siya sa naging reaksiyon nito.

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon