Chapter 13

4.4K 128 14
                                    

Nag aagaw antok na siya ng bumagsak ang katawan ni Mago sa kanya.

"What the hell, Mago?!"

Malakas niyang bulalas sa babae na nasa kanyang ibabaw. Nakadapa ito sa katawan niya.

" I'm sorry. I'm just reaching for my phone. Need to change my pad."

Sabi nito na ang mabango nitong hininga ay humahangin sa kanyang mukha. She's that close!

He's groaning from severe frustration! Napaka kulit nito.Hinawakan niya ito sa balikat at inilayo sa kanya.

"Don't push your luck, Mago."

Naiinis niyang sabi dito.

" I'm lucky I have my period."

Alam niya na malaki ang ngiti nito. Pero hindi nito alam na kasing dilim ng paligid ang kanyang aura.

" Iiwan kita dito and I will let some junior elite relieve me."

Banta niya dito. Dahil iyon talaga ang gagawin niya.

" Sorry na. Wag mo akong iwan. I'll just change and will not bother you anymore."

Sabi nito at kinuha sa drawer ang cellphone saka ginamit ang torch. Nagkaroon ng liwanag sa buong silid. Dumako ang mukha nito sa kanya.

" Masyado ka pikon, Daleon."

Sabi nito at kinurot siya sa pisngi bago tumayo.
Kinuha niya ang kumot na inihagis nito kanina at itinakip sa kanyang mukha.

Sana nga lang hindi na nga siya guluhin. Dahil gusto na niyang matulog bago siya masiraan ng bait.

Ingay ng cellphone ang gumulo sa kanyang pagkakatulog. Inabot niya ito sa bedside table at sinagot ang tawag.

" Hello!"

" Pre, baka mapasarap ang yakap mo kay Mago. Dumating na si Al."

Boses ni Xander iyon sa kabilang linya. Agad siyang bumangon sa sinabi nito.

" In ten minutes nandiyan na si Al."

Pabulong nitong sabi.

" Tsk! Wala akong ginawa!"

Sabi niya at ibinaba ang tawag. Tiningnan niya ang oras sa cellphone. It's only four in the morning. Binitbit niya ang unan at dinala sa sala at doon ipinagpatuloy ang pagtulog.

Hindi pa nga bumabalik ang kanyang antok naramdaman na niya ang pagpasok ni Al. Agad itong nagtuloy sa tinutulugan ni Mago.

He waited for the sunrise, bago siya lumabas sa treehouse. Pareho pang tulog ang magkapatid ng umalis siya.

" Ang aga magising ah!"

Agad na bungad sa kanya ni Xander at Dimayuga na nagkakape sa balkon ng inuokupa nila na treehouse Villa.

" Nakatulog ba?"

Nakangisi na sabi ni Dimayuga.

" Tigilan ninyo ako!"

Sabi niya at balak ng lampasan ang dalawa pero bigla ang mga itong kumanta.

" Ako ay may nakita! Hindi ko sasabihin! Pero pag ako ay pinilit sasabihin ko rin!"

Naiiling na lang na nagtuloy siya sa kanyang bunkbed at inayos ang mga gamit.

" Hoy, saan ka pupunta?"

Tanong ng mga ito ng makita na bitbit na niya ang kanyang backpack. Nakasuot na din siya ng leather jacket.

" Uuwi muna ako. Pakisabi na lang kay Al, may emergency ako sa Hacienda."

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon