"Okay Daleon,handa ka naman siguro?"
Hinubad niya ang suot na grey t-shirt at inabot kay Xander, para ito ang nagsisilbing coach niya. Samantalang si Logan na kanilang boss ang nasa bahagi ni Al.
"Anong handa?Kanta ang pinaghandaan ko hindi kickboxing."
Angil niya dito.Bahagyang minasahe ni Xander ang likod niya na tumatawa.
"Sa ginawa mo kay Mago, dapat araw araw kang naging ganda.Dahil kapag oras na malaman ni Pareng Al ang affair mo kay Mago noon pa man, ito naman talaga ang ending mo."
Nanahimik na lang siya at hinayaan niyang i kondisyon ni Xander ang katawan niya.
"Sabagay, okay na din ito kaysa habulin ako ng bala ng baril ni, Pareng Al."
Katulad nang naging panaginip niya noon.
"Pero mukhang hindi ka pagbibigayan ni Pareng Al sa pantay na laban. Pang himagas niya yata ang mag kickboxing."
Sabi nito habang pinapanood nila si, Al, na hinahanda ang sarili.Kausap nito si Logan at Champion.
"Saka baka nagpapagawa na ng authorization kay Champion na si Mago ang maging beneficiary mo bilang danyos sa ginawa mo sa kapatid niya."
Naiiling na lang siya sa interpretasyon ni Xander sa usapan sa kabilang panig ng boxing ring na hindi nila naririnig.
"Hindi ka nakaka tulong Xander. Parang gusto kong mag warm-up sa iyo."
Sabi niya at sinuntok niya ng kontralado ito sa sikmura.Pero nasalag naman nito saka malakas na tumawa.Lumapit din sa kanila si Dimayuga saka inabutan siya ng bottled water.
"Kumusta ang pustahan?"
Tanong ni Xander dito.
"Syempre,llamado si Pareng Al."
Nagkatawanan pa ang dalawa.Sumulyap na lang siya kay Mago na nasa stool sa gilid.Nag thumbs up ito sa kanya na nginitian niya.
"I have Mago for a price so bahala kayo sa pusta ninyo."
Balewala niyang sabi at inabot ang kamay kay Dimayuga na sinisimulan na nitong i wrap ang kanyang palad.
"Kailangan nating siguruhin na safe ang iyong mga palad at daliri.Isa ito sa main ingredient kaya loyal ang ating mga asawa."
Natatawa na sabi ni Xander sa kanya.
"Malapit na yata akong maging imbalido kung ano ano pa sinasabi mo."
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Kaya nga i secure natin ang mga palad mo. Humanap man ng iba si Mago may palad ka naman na hindi lalayo sa iyo!"
Umigkas ang kanyang kaliwang kamay sa katawan ni Xander na malakas na tumawa. Dahil hindi naman prominente na kamay ang ginamit niya kaya hindi ito nasaktan.
"Umayos ka talaga, Xander. Kabado na nga ako, ganyan ka pa!"
Angil nito na tumaas ang mga palad pero ang nakakaloko na ngisi ay hindi inaalis sa mga labi.Isinuot na din ni Dimayuga ang kanyang gloves matapos parehong lagyan ng wrap ang kanyang kamay.
Hindi nagtagal dumating ang iba pa nilang kasamahan. Pati na din ang mga asawa ng senior elite.
Mabilis na umalis sa tabi niya si, Xander, at sinalubong ang asawa nito.
"May senyorita!"
Malakas na sabi nito at agad na yumakap at humalik sa asawa nito. Ngayon na dumating ang mga asawa ng mga ito naiwan siya sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
عاطفية" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...