Chapter 15

4.5K 113 4
                                    

" I can't believe this!"

Fed up na ihinagis niya ang papel sa kanyang working table. They compromise sa laking tuwa ng kanyang mga magulang.Magsimula siya mag training sa negosyo ayon sa kanyang available na oras.Pero kailangan sa loob ng isang linggo may dalawang araw siyang ilalaan.

Mabuti na lang at saglit lang kanyang ang naging rotation kay Miss Gia. Saglit siyang napangiti sa mga eksena nila sa highland resort. Kung paano na bitbitin ito ng kanilang boss na si Logan. Maging ang pag dala nila sa penthouse ni Boss Logan ng minsan na tumakas ito sa PSG ng ama nito.

Naputol ang pagdaloy ng kanyang ala-ala sa pagiingay ng kanyang cellphone.

"Daleon!"

Agad na bungad sa kanya ni, Xander.

"Yes, pre."

Sana wala naman iba silang activity ngayon na kakaiba.Dahil naka leave pa siya.

"Labas tayo, party on the beach."

Masaya nitong sabi.Kaya napangiti siya.Kailangan niyang mag unwind.

"Sure!"

Mabilis niyang sagot.

"Daanan kita diyan, wag mo na dalhin ang Ducati mo. Maglalasing tayo ngayong gabi."

Mas naging malaki ang kanyang ngiti.Kailangan niya ngayon na maglasing. He's been haunting by Mago's images every single day.

" Alright, pre."

Sabi niya at nag ayos ng kanyang gamit. Isang katamtaman na backpack ang dala nila. Party on the beach, baka mamaya ihagis ulit siya dagat. Katulad ng party ni Lusterio na ginanap sa fish pond farm nito.

" Mukhang abala ka ah!"

Nakakaloko ang ngiti nito ng maupo siya sa shotgun seat.

" Let's go."

Iyon lang ang sagot niya. Alam niya days old na ang kanyang stubble. But he doesn't care.

" May iniiwasan ka ba?"

Tanong nito habang nag byahe sila.

" Anong klaseng tanong iyan, Xander?"

" Just wondering, kung nawala ang crush mo kay pretty Mago."

Sabi nito at pumalatak na lang siya.

" Wag mo akong intrigahin ha? May pinag dadaanan ako."

Tumawa si Xander sa sinabi niya. Parang aliw na aliw ito sa sitwasyon niya.

" Don't worry, pre. Mawawala ang lahat ng iyan  sa pupuntahan natin."

Sabi nito. Hindi na siya nagsalita dahil iyon ang plano niya. Ang makapag lasing at makalimot kahit sandali.

Dahil sa halata ni Xander na wala siya sa mood na pag usapan ang short affair niya kay Mago. Ibang bagay ang pinag usapan nila.

" Medyo awkward ang bago kung assignment."

Naiiling nitong sabi. Kaya nagtatakang tingin ang binigay niya dito.

" Ikaw ang pinaka seryoso sa ating lahat sa pagiging elite bodyguard. Tapos ngayon parang hindi ka masaya. Gusto mo palit tayo pag nabigyan na ako ng bagong assignment?"

"No!"

Mabilis nitong sagot.

" I mean, okay lang ako. Kailangan ko lang siguro tanggapin, na hindi lahat ng pagkakataon ayon sa gusto natin. And maybe change is not bad."

Sabi nito kaya, tinaasan niya ito ng kilay.

" You're weird!"

Hindi niya makapaniwala na tanong dito. Masayahin kasi at happy go lucky ito.

Elite Bodyguard : Joshua DaleonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon