" Anong ini rereklamo mo diyan, Daleon?"
Isang nakakamatay na tingin ang binigay niya kay, Xander. Lahat pinag katuwaan siya dahil sa pag terminate ni Mago sa kanya.
" Bakit mo kasi sinaktan ang fans ni Mago?"
Malaki din ang ngiti ni Dranreb sa kanya.
" Mabuti na lang, maaasahan si Champion."
Sabi ni Logan, patungkol sa legal counsel ng agency.
" Boss, Champion talaga? You like to call them by their surname. Pero sa akin Champion? Damn!"
Reklamo nito na tinawanan lang ng ibang kasamahan. Maliban sa kanya dahil hindi siya masaya.
"Bakit kasi Champion ang pangalan mo? Tapos ang tatay mo Winston? Saka wag ka ng mag reklamo, mabuti nga hindi Fortune pangalan mo."
Natatawa pa din na sabi ni Logan. Hindi naman ito aangal dahil boss nila ito. At pagnakikita nila ito ang pangalan ang lagi napag didiskitahan nila. Their name is after cigarette brands, Champion the legal counsel. Dunhill is now junior elite, a good thing their only sister is named Reina.
" Call me Champ, o kaya Acosta!Total wala naman kayong galang at never ninyo akong tatawagin na attorney."
Dialogue nito lagi, pero masaya sila sa Champion nitong pangalan. Kaya naiiling na lang ito ng ma realize na balewala ang apila nito.
" Okay na yong binalian mo ng kamay. Hindi na mag file ng kaso, some compensation is done."
Sabi nito sa kanya na tinanguan niya.
" Mag saya ka Daleon, at hindi ka na blotter."
Sabi ni Xander sa kanya. Alam naman niya na hindi mangyayari iyon. Boss nga nila kinidnap ang presidential daughter hindi na presinto.
"Paano ako mag sasaya? Ilang araw na nga lang si Mago dito tapos hindi ko pa makasama oras oras?"
Tanong niya at uminom ng beer. Nandito sila sa hideout ng elite sa building ng agency. Mula ng mag asawa ang mga kasamahan nagpagawa na lang ng recreation area ang grupo. Sa ground floor iyon na may boxing ring, billiard tables, half-court para sa basketball.
" Hindi ka nga pwede maging bodyguard. Kunti na lang ma iskandalo na sa iyo si Mago."
Natatawa na sabi ni Xander.Hindi niya na lang ito pinansin.Wala siyang nagawa ng sabihin ni Mago na si Gunther na lang ulit ang maging bodyguard nito.
" Siguro naman bibigyan ka ni Mago ng ticket para sa premier. Saka kaya mo naman bumili ng plane ticket papuntang US, kahit libre mo pa kami."
Balewala na sabi ni Dranreb,kumuha ito ng tako at sinenyasan si Xander na maglaro sila.
Pero si Champion ang tumayo at nakipag laro dito." Mago will not bring me to the premier. Gusto niyang maging pribado ang buhay pag ibig niya. And I understand her."
Hindi na lang niya sasabihin na lagi niya itong iintindihin.Kapag ganito na nasa mood ang mga kasamahan hindi siya titigilan.
" I think Pareng Al will hold a party for Mago. Aattend ka ba?"
Si Logan ang nagtanong, pinaka malapit ito kay Al kaya ito agad ang may alam ng balita. Pero kahit malapit ito kay Al hindi pa din nito sinabi ang ngyari sa pagitan nila ni Mago noon.
" Syempre, pupunta ako. Kahit hindi ako invited."
Mabilis niyang sagot.
" Exclusive naman iyon, kaya wala kang fans na mabubogbog kung sakali."
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
Romance" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...