Napakunot ang nuo niya ng makita ang screen ng laptop ni Al. Nasa highland sila para sa year-end meeting.
" Umuwi ba si Mago?"
Hindi na niya napigilan mag tanong dahil nakita niya ang pag scan ni Al ng mga pictures noong pasko. And Mago was there in the family picture. At malaki ang ngiti nito habang kalong ang pamangkin.
" Yeah, just for one day. Meron siyang show sa Singapore ilang oras lang ang byahe kaya naisipan niya sumaglit."
Sabi ni Al at nag scroll na ito ng picture at nakita niya kung gaano ito kasaya habang nasa ilalim ng Christmas tree.
" She's really busy ha?"
" Yeah, if you saw her when she came, maawa ka. She looks really exhausted. Pero masaya siya sa ginagawa niya so be it!"
Nagkibit balikat si Al sa sinabi at bago pa niya mapag masdan na mabuti ang mukha nito ay isinara na nito ang laptop. Gusto niyang makita ang totoo nitong ngiti. Ang totoo nitong kagandahan na walang makeup. Hindi na niya ibinulalas na bakit maiksi ang buhok nito.Hindi katulad ng mga nakikita niya sa TV at magazine.
" To earth, Daleon!"
Isang malakas na tapik sa balikat ang nagpagulantang sa kanya.
"Fuck, Xander!"
Angil niya dito dahil bahagyang tumapon ang lamang kape sa kanyang tasa.
" Nasa outerspace ka na naman."
Natatawa nitong sabi at tumabi sa kanya. Nasa balkonahe sila ng treehouse villa. Katatapos lang ng meeting na wala naman pumasok sa isip niya. It was occupied by Mago. Umuwi ito na hindi man lang nakipag kita sa kanya.
" I'm thinking about Mago."
Sabi niya. Pero pumalatak lang ang kausap.
" Anong bago? Lagi naman siya ang nasa utak mo basta nakatingin ka sa kawalan?"
Panunudyo nito sa kanya na nakasanayan na niya.
" Mago was here last Christmas."
" And then, masama ang loob mo dahil hindi nakipag kita sayo? Pre, nasa peak ng career yung tao.Baka pag makita ka bumalik ang crush niya sa iyo.And it will affect her career."
Sinamaan niya ito ng tingin.
" Hindi pala crush, mahal ka ni Mago."
Bawi nito pero hindi pa din nabago ang madilim niyang anyo.
" C'mon, p're."
Untag nito sa kanya ng hindi siya nagsalita. Akala siguro nito napikon siya.
" Tsk. I was just thinking of Mago I had spent the night on Christmas eve."
"What?!"
Malakas nitong sabi, halos lumuwa ang mga mata nito sa sinabi niya.
" I - I feel she's Mago. My inner self is telling me it was her! Dahil umuwi siya, hindi kaya siya talaga iyon?"
Naguguluhan niyang tanong kay Xander.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard : Joshua Daleon
Romance" Sayang! I was born early." Iyon ang pumasok sa kanyang isip ng unang masilayan ang nag iisang kapatid ng kasamahan at malapit na kaibigan na si Al Christian Kane. Mari Gold whom he loves to call Mago got the eyes that make him wonder in the world...