CHAPTER 30. Fallen
KHALI‘S POV
I sighed for the nth time. Nahihirapan na akong makinig sa mga usapan nila tungkol sa dress na susuotin at gagawing looks nila sa party. Wala akong alam diyan.
“Ikaw, Khali, may susuotin ka na ba sa party?” tanong ni Kian. “Syempre wala pa kasi wala ka naman pake sa party diba?” sagot niya sa tanong niya.
Nagtawanan sila nina Jaemin.
“Aattend ka sa ayaw at sa gusto mo!” Jaemin said with finality.
“Khali, ako mag-ayos sayo haaaa?” tuwang-tuwa na wika ni Kian saka kumapit sa kaliwang braso ko.
I sighed.
“Required ba talaga ‘yun...” I muttered. Para naman sa mga new students ‘yung party eh.
Hinampas ako ni Jaemin sa balikat. “Oo naman! Para makasama ka namin. Most of it are organized by me!” she said with a hint of pride.
Kailan nga uli ‘yun? I think it‘s on Saturday night. Three days pa, atat na sila sa susuotin... Sabagay malapit na rin.
*ding-dong*
Napalingon kami sa likod kung nasaan ang pinto. Tumayo ako para pagbuksan ito. Kumunot kaagad ang noo ko nang bumungad sa akin ang mukha ng isang unggoy na hindi dapat nandito.
“Delivery, young lady!” masigla nitong sambit saka tinaas ang malaking kahon, na may ilan pang nakapatong na kahon.
What is Clifford doing here? What are those?
“What is this?” I asked as I glance at the boxes.
“Your outfit for the ball, young lady. I was instructed by Sh—” sinipa ko kaagad ang hita niya para patahimikin nang mapansin kong nasa likod ko na ‘yung tatlong babae.
“Pasok ka po, kuya Clifford!” sabi ni Jaemin at nagbigay daan sa unggoy.
Tumingin muna sa akin ito na parang humihingi ng permiso at saka lang pumasok nang tanguan ko.
“Ja, ojamashimasu.” he politely said before entering the house. (Trans: “Then, please excuse my intrusion.” in Japanese)
Si Kianna at Erin parang naka-glue na ‘yung tingin nila kay Clifford.
“Hello, it‘s nice to meet you again, Miss Erin and Miss Kianna.” magalang na bati niya doon sa dalawa saka nginitian ang mga ito.
Parang nahiya ‘yung dalawa kasi hindi sila makasagot.
“Upo ka muna po kuya, kukuha lang ako ng maiinom.” sabi ni Jaemin at dali-daling nagtungo sa kitchen.
“Thank you very much, Jaemin.” sagot ni Clifford. “I won‘t be staying that long, I just personally delivered something to you, young lady.” he said when he turned to me.
Muling nagpasalamat ito nang dalhan siya ni Jaemin ng tsaa. Parang mga shunga ‘yung dalawa pa sa katititig sa kaniya.
“Huy, sino ‘yan? Diba isa siya sa mga nagbantay kay Khali sa hospital noon?” pabulong na tanong ni Erin.
BINABASA MO ANG
GANGSTER ROYALTIES: The Gangster Society
ActionKhali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled by the most feared and toughest gangsters called as... GANGSTER ROYALTIES. But being one isn't every...