CHAPTER 11. MY PLACE

5.8K 273 140
                                    

CHAPTER 11. My Place

KHALI‘S POV

Nakasalikop ang mga braso ni Rize habang naglalakad sa tabi ko.

Hays. Mission failed.

I wanted to quit the volleyball team but she won‘t let me. Si Rize na nga pala ang bagong Captain Ball since graduate na sina Venice.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” kunot-noong wika ni Rize.

Luh? Nakita niya pa ‘yun? Minsan feeling ko, parang may galit ‘to sa‘kin. Ako nalang lagi ‘yung nakikita?

“Ah, I just suddenly remembered my pet...” I replied. “He‘s so cute...”

“Patingin! May picture ka?” masiglang sambit ni Farrah, isa sa alipores ni Rize.

“Nah, it‘s for my eyes only.” buryo kong sagot. I wish I could‘ve captured that face in a picture, though. Pfft.

Inismiran niya lang ako. Nauna na akong maglakad.

“Hindi diyan!” inis na wika ni Rize. Sumabay nalang ako sa kanila maglakad.

We went to the clubroom and had a short meeting. Actually, anim nalang kami nina Kian, Mari, Rize at dalawang alipores niya na sina Farrah at Sarah, ang natira sa volleyball team.

Halos puro 6th year na kasi sila noon. And you know, no one wants to join because they were a loser team.

After that bumalik na ako sa classroom, kaso wala na naman yatang klase. Wala pa kasi si Ma‘am...

Usually, they give the students a free time to rest and to refresh their mind before they start learning another lesson in another subject.

Minsan naman pinagse-self study kami. Kaso ang ginagawa namin baba kami nang baba. Wala naman kasing sumusuway hindi gaya noong 4th year kami...

Ah... Ako nga pala ang Class Rep ngayon no? Oh, right...

Pero ngayon sobrang late na talaga si Ma‘am English, I guess wala na talagang class.

“Samahan mo ko mag-CR, Ginger!” ani Kate.

“Tara, Khali!” pag-aaya naman ni Ginger sa akin.

Sumama nalang ako dahil balak ko rin naman dumaan sa groceria para bumili ng inumin.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Ginger nang lumiko ako sa kabilang direksiyon paglabas namin sa CR.

“Groceria.” sabi ko.

“Samahan ka na namin.” ani Ginger.

“Hi, Khali!” I saw Gabriel approaching us. “Long time no see?” he smiled.

“Mauna na pala kami Khali!” sabi ni Kate at hinila na si Ginger paalis.

“Hmm... How are you?” he asked.

Matagal-tagal na rin naman talaga kaming hindi nagkikita. Syempre, nag-summer break rin. Tapos ngayon hindi na kami classmates.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon