CHAPTER 40. A THREAT OR NOT

6.1K 252 216
                                    

CHAPTER 40. A threat or not

KHALI‘S POV

“Sa Dia na nga. Sabing huwag na akong sunduin diyan...” Ayan tuloy nagkasalisi kami ngayon. Papunta na ako sa Dia at siya naman ay nasa building namin.

“Saan ka ba kasi galing? Hinintay kita sa Dia, ang tagal mo.” Ramdam ko ang pagkunot ng noo niya kahit dito sa kabilang linya.

“Malapit na ako.” sagot ko. Para ilang minuto lang nawala eh.

“Hmm? Where were you?” pag-uulit niya pero hirap pa rin akong masagot.

“Diyan lang. May dinaanan...” rason ko.

“Anong dinaanan, Lili?” seryoso niyang tanong.

“Shut up. Malapit na ako.” Ang dami niyang tanong.

“What the fck is that?” he exclaimed as he approach me. Diretso ang mga palad niya sa pisngi ko upang makita ng maayos ang mukha ko. “I knew it! What happened to you?”

Kapag tinakpan ko ng plaster mapapansin niya rin naman. Tiisin ko nalang siguro ang sermon niya.

“Why do you have a cut on your face?” he asked with furrowed brows, near to getting angry. “Did someone hurt you? Tell me!” halos pasigaw na niyang wika.

“Nasugat lang sa CR. It was my fault.” palusot ko. Pero parang hindi siya kumbinsido. His stares made me a little nervous.

“Totoo?” he asked with furrowed eyebrows.

I nodded, lying again. He held my chin to get a better look at my cut which I got unexpectedly.

Pagtapos ng klase ay nagpaalam na ako kina Erin at Ginger na hindi ako makakasabay sa kanila.

Kangaroo texted me that he‘s coming back with our food so I told him to wait me at Dia instead, tutal malapit naman nang matapos ang klase namin kaysa naman sunduin pa ako sa classroom.

Habang naglalakad ako sa oval, malapit na sa Dia, may naramdaman akong kakaiba. Para bang may nagmamasid sa akin. Pasimple kong nilibot ang paningin ngunit wala akong makitang kahina-hinala. May mga nakatingin sa akin, as usual, but I don‘t think it‘s them that I am sensing.

Maya-maya may naramdaman akong paparating. Mabilis. I felt an unexplainable threat.

I quickly turned to my back. Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong paparating na matulis na bagay.

I turned my head to left to dodge the blazing arrow. But I was too late, the arrow grazed my cheek, leaving a long cut on my face.

“Let‘s have it treated.” aniya saka kinuha ang aking pulsuhan. “Hindi ka naman nag-iingat...” inis niyang dagdag pero may halong pag-aalala.

“Mamaya na, kain muna tayo.” I replied. “Maglalagay nalang akong ointment mamaya. I have it in my bag, the one you gave.” sabi ko.

“Ngayon na.” seryoso niyang sambit. “I have a med kit in Dia.”

“Fine. Whatever.” pagsuko ko.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon