CHAPTER 84. CRUMBLING

2K 122 191
                                    

CHAPTER 84. Crumbling

THIRD PERSON POV

Pasinghap na nagising ang babae mula sa kaniyang malagim na panaginip. Isang pamilyar na pakiramdam ang bumalot sa kaniya dahil sa panaginip na kahit hindi niya maalala ay tila nakaukit na sa kaniyang sistema.

Nilibot nito ang paningin ngunit muling napapikit dahil sa sakit na dala ng liwanag sa silid kung nasaan siya.

Nanlalabo man ang paningin, ilang imahe ng tao ang naaaninag niya sa kaniyang harapan. Pinilit niyang kilalanin ang mga ito. Marahas na iniling ng dalaga ang ulo upang gisingin ang sarili.

She feels weak and dizzy. What did they do to her? She‘s immuned to most poisons let alone sleep inducing drugs. Only those drugs from that hell affects her, so, how come?

“Gising na ang Reyna!” rinig ng dalaga na wika ng pamilyar na boses.

Tinapik-tapik ng isang lalaki ang pisngi nito habang may malawak na ngisi sa kaniyang mukha. He is amused of what‘s in front of him...

It‘s her!

The most valuable possession and the so-called Queen of the mighty King of Tenebrés... Khali Vernon.

Unbothered of what the guy did, Khali remained expressionless and motionless. Wala rin naman siyang magagawa dahil nakatali ang mga kamay niya sa likuran ng silya. Nanghihina rin ang katawan at tila parang walang buhay.

She feels cold and just... empty. Yet, her mind was filled with questions... Heart filled with pain and doubt...

Walang lugar sa kaniyang sistema ang pag-aalala para sa kinakaharap niyang sitwasyon ngayon. Ni hindi siya nagtatanong kung nasaan siya, kung anong dahilan ng pandadakip ng mga ito sa kaniya ngayon, kung anong pakay nila at kung alam ba ito ng ka-alyansa nilang Four Dragons.

Ang tanging tanong lamang sa isip niya ay tungkol sa lalaking iyon...

Bakit?

Paano?

Kasinungalingan lang ba ang lahat ng nangyari?

Is there... at least one truth between all those lies?

Mayroon nga ba?

Dahan-dahang inangat ni Khali ang kaniyang tingin sa lalaki at inilipat sa papalapit na lalaki. Ngayon lang nito nakuha ang atensiyon ni Khali. May ngisi sa labi ngunit bakas ang galit sa mukha nito.

“Saber Tan...” His name left a bitter taste in her mouth after saying his name. Walang emosyon niya itong tinignan.

Unti-unti ay nakilala niya na ang mga taong nasa paligid niya. Walang iba kundi ang gang ni Saber Tan, the infamous Dark Lords.

Nagbigay daan si Jasper na nasa tapat ni Khali para kay Saber. Khali could still see the annoying smirk in his face from his peripheral vision. Gustong-gusto ni Jasper na bumawi sa kaniya sa kahit na anong paraan. Pero sa ngayon ang pinuno muna nila ang bahala.

Isang sampal ang lumapat sa mukha ni Khali. At isa pa. At isa pang muli. Malakas at maharas na siyang agad na nagdulot ng sugat sa siyang gilid ng labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon