CHAPTER 35. SMILE

6.2K 324 423
                                    

CHAPTER 35. Smile

KHALI‘S POV

After nung mga nag-perform sa stage na halos puro sexy dance na muntik pang magsabay-sabay, sumunod na ‘yung live band.

Ayan mas sumigla ang party dahil sa kanila. Pero hindi talaga ako natutuwa kasi kumakanta na naman si Kangaroo sa tabi ko. I can‘t breatheeeee.

“Ba‘t di pa patulan ang pagsuyong nagkula—” I cut him off by feeding him some piece of cake.

Hindi naman siya naiinis, actually, feeling ko nag-eenjoy pa siya pangiti-ngiti. Parang tanga talaga.

“Hindi ka pa busog?” tanong niya.

“Bakit?” Tatawagin niya na naman akong glutton?

“Ikukuha pa kita dun.” he said.

“Wag na muna...”

Saglit lang pala ‘yung live band, parang nag-perform lang rin. Kala ko may instant concert na naman. Bigla silang nagpatugtog ng love song. The song was A Thousand Years, I think. Jaemin had me listen to some songs she‘s going to use in this party. Kaya kahit papaano ay familiar na ang mga ito sa akin.

Ang daming nagsipunta sa gitna... para mag-sayaw?

“Para masaya, bakit hindi ang babae naman ang mag-invite sa lalaki this time, no?” Napatingin ako sa stage, nandun si Iron. Pasimuno na naman.

Kahit hindi niya naman sabihin ‘yun, nakita ko kanina halos magtulakan ‘yung mga babae palapit dito sa table namin. Why? Because the Four Dragons are sitting with us.

“Idol Khali, make sure to invite the King. Para di kami mamatay bukas...” pahabol niya. Ang daming nagtilian, kasama na sina Jaemin.

Ang dami niyang pasa sa mukha pero go na go pa rin ngayon. Matibay rin. Sabi nga pala niya, after party ko nalang banggitin ‘yung nangyari kahapon, about Saber. Even if he doesn‘t ask me, hindi ko rin gustong sabihin sa kaniya ‘yun ngayon...

I don‘t wanna spoil his mood tonight. He looks happy... I don‘t wanna wipe off the smile from his face just because of some jerk.

“What did he meant by that?” Kangaroo suddenly asked.

“Don‘t mind him. You know that he has a few loose screws.” sabi ko nalang.

Bigla niyang kinuha ‘yung cellphone niya. Palagay ko tatawagan niya si Iron kaya inagaw ko ito. Nagtataka itong tumingin sa akin.

“Don‘t use your phone while you‘re with me.” mariin kong pagsasalita. Napatitig siya sa akin.

Darn it. Medyo napasobra yata ‘yung palusot ko?

“Okay,” sagot naman niya habang mabagal na tumatangu-tango. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod habang may maliit na ngiti sa labi. “So, you like me to focus solely on you?” he suddenly added.

What the...

“Sure, I would even love to.” sabi pa niya. He held my hand and interwined our fingers, then gave it a light kiss before reverting his attention back to me. “So, what would you like me to do?” he asked with a playful tone.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon