CHAPTER 56. FIRST PHASE (PART 2)

5.6K 254 192
                                    

CHAPTER 56. First Phase (Part 2)

THIRD PERSON POV

Bumalikwas si Kianna sa kaniyang hinihigaan dahil sa inis. Paano ba naman, nakailang tawag na siya sa boyfriend niya ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

Hindi man lang mag-text! Hindi niya tuloy alam kung anong gagawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? Alam niya naman kasing nasa Bloody Tournament ito gaya ng paalam niya dito kanina. Kaya nga siya pumayag na pumunta ito dahil nangako siyang i-a-update siya nito hanggang sa makauwi! Pero bigla nalang hindi nag-chat, ilang oras na ang nakakaraan.

“Where is my good night, you dipshit!” Kianna muttered in annoyance.

Teka! Paano kung may masama nang nangyari doon?!

Lintek na Bloody Tournament naman kasi ‘yan! Pangalan palang nakakatakot na. Kapag may mga ganitong events ang UGA, kadalasan ay hindi naman sila nakikialam. After all, they ain‘t even gangsters and it‘s the best to keep yourself out of the Gangster Society when you‘re not even a part of it.

Pero hindi ito mapakali dahil nga siyempre, ang boyfriend niya ay isang Gangster Prince.

O baka naman dumaan pa ito sa Hotnight?! Naku, malilintikan talaga siya kay Kianna!

Dahil sa kaba ay nauhaw si Kianna, bumaba siya at kumuha ng tubig habang naghihintay pa rin sa text o tawag ni Kevin.

“Aaay!” tili ni Kianna sabay atras upang hindi siya matamaan ng nabitawan niyang baso. Nabasag ito at nagkalat ang mga piraso ng bote.

Biglang nakaramdam ng kakaiba si Kianna habang nakatingin sa sahig.

“Ano ba self! Pinakakaba mo ako lalo eh!” inis na sambit niya sa sarili.

Halos mapatalon ito sa gulat nang bigla nalang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niya itong dinampot ngunit nadismaya siya nang makita hindi si Kevin ang caller.

“Bakit, Iron?” mataray na bungad nito sa caller. At bigla niyang na-realize... “Kasama mo ba si Kevs? What is he doing? Where is he?” sunud-sunod na tanong nito.

“That‘s the reason why I called you... Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, Kianna, ha?” babala ni Iron.

“Hoy! Huwag ka ngang ganiyan!” kabadong turan ni Kianna.

Kumabog ang dibdib nito sa sobrang kaba habang hinihintay ang nais sabihin ni Iron. Hindi niya alam pero parang may masama siyang nararamdaman.

“Kevin is—”

Nanlaki ang mga mata ni Kianna nang marinig niya ang sumunod na sinabi ni Iron. Nanghina siya at napa-upo nalang.

*♡♤*

“We lost communication from all of the men we sent to the Gangster King.” a man reported to his superior.

Xiang, the superior, kicked the man in irriation because of the bad news. Ayaw man niyang isipin, ngunit malaki ang posibilidad na patay na ang mga ito.

“Those fcking brats! Why won‘t they just stop struggling and die quietly?!" galit na sigaw ni Xiang.

He quickly turned to his right to see the young man sitting on the couch quietly. Their eyes met for a second. Xiang felt really irritated.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon