Chapter 2

8.4K 521 178
                                    

Rainey

Tiningnan ko yung schedule ko sa phone. I am done with my first two subjects. Mamaya pang alas dos yung susunod na klase ko. That means I have two hours break.

Bakit kaya ganito yung kinuhang schedule ni Mommy? Sana dinire-diretso nya na lang at hindi na nilagyan ng pagitan. Para makauwi naman ako ng mas maaga. Nakakabagot kaya maghintay. Buti sana kung may matatambayan ako o kaya may kasama ako para di ako mainip.

Kinapa ko yung phone ko nung magvibrate iyon. Tinext ko kasi kanina si Elle na pumasok ako kaya sabay kami maglunch. Alam ko kasi na saktong alas dose din matatapos yung pang-umagang klase nito. Tapos may tatlong subject pa ito mamaya.

Elle's on her last term taking up BS Economics. Samantalang ako irregular student na halo-halo yung kinukuhang classes. Tinatapos ko na lang yung kurso ko noon na BS Entrepreneurship. Ayun na kasi yung madali dahil may mga subjects ako noon na pwede ng ma-accredit.

Kung ano ano na kasing kurso yung kinuha ko noon. Nag Mechanical Engineering ako gaya ng kurso ni Mommy pero di ako nakapasa sa isa sa mga Major subjects ko kaya nagdrop din ako. Nag culinary na din ako noon dahil ginusto ko na maipagluto ng masarap si Ember pero nung makipagbreak ito sakin noon ay nawalan na din ako ng gana pumasok sa klase.

Nag BS Economics din ako dahil sabi ni Elle madali lang. But I've got three failed subjects after that semester and was told by the Dean that maybe that course isn't really for me, so I quit too. I have also tried Architecture, Accountancy, Med Tech. Pero lahat nang iyon ay lagi na lang akong bumabagsak sa Major subjects ko.

Siguro tama nga yung mga palihim na sinasabi ng mga professors ko noon. Bobo nga talaga siguro ako.

Kaya ayoko na mag-aral. Kahit naman mag-aral ako, nakakalimutan ko din kasi. Hindi kasi ako yung tipong magaling umintindi ng nasa libro o mabilis makaunawa ng lecture. But I know na kapag na-experience ko kung ano yung mismong concept ng tinuturo, maiintindihan ko iyon.

But no one's trying to hear me out. Si Ember lang naman yung nakikinig sakin. Si Ember lang naman yung nagtatyaga noon na magturo sakin. Kaya nga may mga ilan ilang subjects din ako na naipasa noon.

Kaya heto, ngayon nasa building ako ng freshman ng Business Administration. Pagkatapos mamaya naman ay nasa Science laboratory ako para sa biology class ko mamayang alas dos.

'Sorry. Already having lunch with Tris and the other girls.'

Pagkabasa nang reply na iyon ni Elle ay nanghihinang napaupo naman ako sa isa sa mga nakakalat na bench sa campus. Kanina pa ako napapagod kakalakad. Pupuntahan ko pa naman sana ito sa klase nito ngayon dahil akala ko sabay kami.

Paano na ako kakain ngayon? Ayoko kumain mag-isa. Hindi ako sanay kumain ng mag-isa.

I started typing on my phone, 'Sabay tayo uwi?'

Bago ko pa maisend iyon ay binura ko din at nagtype ng panibago, 'Mama hates me. Wala ako kasabay mamaya pauwi. Hinatid lang ako. Sabay mo ko.'

Hindi ba masyadong paawa iyon?

Aish!

Naiinis na binura ko ulit yung tintype ko at saka pinalitan iyon. I simply typed, 'Okay.' and hit the send button.

I know Elle will call me after reading that message. She will surely ask me if I'm okay and would cancel her lunch with Tris. I'm pretty sure. Sigurado tatanungin noon kung nasaan ako at sasabihin na sabay na kami maglunch.

Pero lumipas na yung kinse minutos pero wala pa din tawag. Wala din text.

Siguro nagtatampo pa si Elle. Sunduin ko na lang sa room nya. Tapos ililibre ko na lang sya ng lunch. Right!

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon