Chapter 33

10.3K 626 221
                                    

Rainey

"What are you doing here?"

Napapatitig ako kay Mama sa itinanong niya. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko.

Pumuslit lang kasi ako papunta dito sa bahay pagkatapos ng klase dahil ang sabi ni Elle kahapon, masama daw yung pakiramdam ni Mama nung isang araw pa. Baka daw pwede ko sabihan si Mommy para hindi magtampo kung sakaling hindi ito agad masuyo ni Mama.

Medyo nakaramdam din naman ako ng pag-aalala kay Mama. Bihira kasi ito magkasakit. Pero pag nagkasakit, inaabot ng ilang araw.

"Mama.." Lumapit ako dito at tumingkayad para makahalik sa pisngi nito. "Ipinagluto kita ng soup."

Inangat ko pa yung bitbit kong paperbag na kinalalagyan ng container ng soup. Niluto ko pa iyon sa bahay nila Carrie. Buti na lang at may susi pa ako ng bahay nila. Kaya kahit nasa klase din sila ay nakapasok at nakapagluto pa din ako sa bahay.

"You're mad at me too, right?" Her voice cracks.

Namumula yung ilong nito at nagtutubig yung kulay asul nitong mga mata. Halatang masama yung pakiramdam. Pero heto, bumangon pa din sya at sinalubong ako dahil ayaw ako papasukin ng maids namin.

Purge. Why does it hurt even more to see your mother in the verge of crying?

"Nagtatampo lang, 'Ma. Hindi ako galit." Naglalambing na yumakap ako dito. "Saka sa dami ng sakit ng ulo na binigay ko sainyo ni Mommy, I've got this-" I motioned my thumb and forefinger a small portion. "-this level of tampo lang. Just a little."

Ibinukas nito ng malawak yung gate para makapasok ako. Lumingon pa nga ito na para bang may hinahanap.

"Si Mommy may date daw kay Tita Hariette. Si Priam naman kasama ni Tita Sammie sa hospital. Alam nyo naman po yun, gusto na yata mag medicine din." pasimpleng imporma ko. Mahirap na kasi na umasa ito. Galit pa din kasi yung dalawa sa kanya.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Mama at halikan sa pisngi. "Not them. Katatawag lang nila sakin kaninang umaga. I am just checking if may naghatid sayo dito. A girlfriend perhaps?"

Napakagat labi ako habang isinasarado ng maid namin yung gate. Si Mama naman ay tila hinihintay yung sagot ko habang papasok kami ng bahay.

"Is that one of the Oliviar sisters?" tanong pa nito nang makarating kami sa dining room.

"Si Carrie, Ma." Inilabas ko sa paperbag yung container ng soup at buns. "Si Cariette Oliviar yung girlfriend ko. Pero hindi ko sya kasama ngayon dahil may klase din sya."

Hindi ito umiimik na kumuha lang ng dalawang soup bowl at soup spoon. Inilagay nito iyon sa ibabaw ng mesa. Sunod ay kumuha ng dalawang baso at naglabas ng honeydew melon juice mula sa fridge.

"Ayaw mo ba kay Carrie, Mama?"

Sumulyap ito sandali sakin bago ipinagpatuloy yung pag-aayos ng mesa. "She drugged you. How could I like her?"

"But I was the one manipulating her back then." I admit. "I seduced her to make my drug-induced candies. She was only fifteen. I was twenty. Sa aming dalawa, mas lamang yung kasalanan ko."

Humigpit yung hawak ni Mama sa plato. "You were drugged."

I shook my head. "Is that an enough excuse to do that to a minor, Ma? Kung sakin ba may gumawa nung ginawa ko kay Carrie noon, papayag ka?"

Hindi ulit ito sumagot. Humatak lang ng upuan at naupo.

"I was sexually abusing her too that time."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon