Chapter 16

7.8K 582 257
                                    

Rainey

Wala sa sariling napahawak ako sa parteng iyon ng leeg ko na iniwanan ng marka ni Cariette.

Gagong Carrie yon.

Weird na hindi ko din naman napigilan ang  mapangiti nang habulin ito ng tingin. Atleast mukhang wala na itong topak. Pero mukhang ako naman yung nawala ngayon sa huwisyo.

Iiling iling na naglakad ako palabas ng kwarto nito at pabalik sa dining area. Mamaya kasi ubusin lahat ni Harrice yung pagkain. Suhol ko pa naman iyon kay Carrie. Buti sana kung binabayaran din ako nito, kaso hindi naman. Kaya hindi pwede. Dapat matikman lahat ni Cariette yung mga niluto ko! Hindi pwedeng si Harrice lang ang masiyahan doon.

When I walked inside the dining room, naabutan ko pa si Harrice na tahimik lang pero masama yung tingin sa pagkaing nakahain na akala mo nakikipag-away doon. Pero pansin ko talaga yung bibig nito na halatang may nginunguya.

"Kumain ka na? Binawasan mo 'to no?" Sita ko dito habang hinuhuli ito. Ito naman ay masungit na itinuro yung pagkain.

"Kahit bilangin mo pa yan." Matapang na sabi pa nito.

Napatingin ako sa tinuro nito. Totoo kasi na bilang ko iyon. Pero napaawang na lang yung bibig ko nang makita na lumiit at numipis yung mga slices ng fillet at pork belly. Yung mga baked potatos naman ay parang nadaanan ng bagyo yung kalahati dahil nawala yung cheese na nasa ibabaw.

Proud na ngumiti pa si Harrice na akala mo napakainosente. "Sakto di ba? Wag ka nambibintang."

Anak ng! Sakto talaga. Sakto yung bilang.

Pero binawasan nito. Hindi ganito yung itsura ng luto ko kanina.

"Anong hindi mo binawasan 'to! Hindi ganito' to kanina! Gagi ka. Sabi ko wag mo babawasan di ba?"

"Hindi ka nga siguro marunong magbilang." Umiling pa si Harrice. "Sakto yan. Ganyan yung bilang nyan nung iniwan mo. O baka hindi mo naman talaga bilang? Tapos ngayon ako pagbibintangan mo."

"What!" Kulang na lang hampasin ko ito ng kutsara. "Binawasan mo. Bakit lumiit yung mga slices niyan? Saka nawala yung cheese!?" singhal ko dito.

"Sabi mo lang bilang mo." Point out nito. Napakatapang pa na akala mo ako pa yung may atraso sa kanya. "Hindi mo sinabi na kabisado mo pati itsura nyan. At wala kang pruweba na hindi ganyan yung itsura nyan nung iniwanan mo kanina. I could deny it and you could insist that it was not like that. But it will just be your words against mine. You can't prove it."

"Kapal mo! Sigurado ako. Ako nagluto nyan e. Hindi talaga ganyan yan. Tingnan mo, nawala na yung cheese. Tapos lumiit at numipis yung cuts ng meat."

Inangat ko pa yung plate na kinalalagyan ng pagkain para matitigan nito ng mabuti.

"That's a perfect example of unsubstantiated accusation, Ate Rainey. Unless you can prove that I am guilty then that's the only time I'll admit that I am really guilty. But no, I am pleading my innocence here." matigas na sabi nito pagkatapos ay uminom pa ng tubig.

Letse talaga! Kapatid nga 'to ni Carriette! Sarap balatan ng buhay!

"At alam mo ba kung magkano ang fine doon o kung ilang taon yung confinement mo kapag napatunayan na wala kang ebidensya sa mga binibintang mo sakin ngayon?" pananakot pa nito.

I was stunned. Why does it sound so fuckin' familiar?

Napalunok na lang ako bago sinamaan ito ng tingin. Ako na nga naapi, ako pa may kasalanan? 

"Akala mo! Isusumbong kita kay Carrie, tingnan mo!" inis na sabi ko dito na tinawanan lang nito.

"Magsumbong ka pa. Tatawanan ka lang non."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon