Chapter 13

7.7K 609 193
                                    

Rainey

"Tara, Ate Rainey!"

I was aghast when Harrice jumped from the deck of the yacht straight to the sea. Napaatras ako lalo at humigpit yung kapit ko sa railings ng yacht.

Dinig ko pa yung malakas na splash ng tubig nang bumagsak ito sa tubig. Halos ilang segundo din yung lumipas bago lumutang yung mukha nito na tawang tawa.

"Gosh! I miss the salty water. Sakit sa mata." hiyaw pa nito pero sige pa din sa pagtawa na halatang nag-eenjoy ng husto. "Tara dito. May magagandang corals doon." Itinuro pa nito yung parte ng dagat na halos nag-aagaw na yung kulay ng asul at berde.

Napatingin ako sa Mommy ni Cariette na nasa tabi ko. Gaya ko ay tila takot din ito sa tubig kaya nakuntento na lang na pagmasdan yung mag-ina nito na nasa dagat na.

"Takot ka din sa dagat?" Nakangiting tanong pa nito matapos akong abutan ng bote ng apple juice. Iginiya pa ako nito sa mga nakakalat na upuan.

Nahihiyang tumango lang ako dito matapos makaupo. Paano ba naman kasi si Cariette akala mo modelong nagbibilad ng katawan na nakadisplay pa sa lounge chair. Prenteng nagtanggal pa kasi ito ng robe nito at saka dumapa doon. Nandun pa naman yung line of vision ko ngayon.

Nang mapansin ng Mommy nito kung saan ako nakatingin ay nang-aasar na ngumiti pa iyon. Namumula tuloy yung pisngi na nag-iwas ako ng tingin. Baka sabihin nito sinisilipan ko yung anak nya.

"Mamaya susunod na din yan doon kina Hariette. Bonding nila yan. Mukhang sa wakas may kasama na akong magbutas ng bangko dito a."

And I really like how Cariette's mother is so easy to deal with it. Malayong malayo kay Tita Grant na laging nakakatakot at masama kung tumingin.

"Ayaw nyo din po sa dagat?"

Umangat yung perpektong kilay nito. "I'm okay with bodies of water na abot ng paa ko. Pero yung ganyan na hindi ko alam kung ano yung nasa ilalim at kung gaano kalalim?" Sunod sunod itong umiling. "I'll probably die. Pakiramdam ko malulunod ako at mamamatay na lang basta basta."

"Same." I agreed. "Pangit pa naman po yung itsura kapag pagkalunod yung ikinamatay."

Sa sinabi ko ay napahalakhak talaga ito. "My wife would kill me if I tell her that. For your own peace too, wag na wag mong sasabihin yan kina Harrie at Carrie. Tiyak na ihuhulog ka ng dalawang iyon sa dagat."

"Totoo?" gulat na napastraight ako ng upo. "Ang sama talaga ng ugali ng magkapatid na yan."

Itinuro nito sina Tita Hariette at Harrice na nagtatawanan pa sa di kalayuan. Parehong walang swimming gear yung mga ito pero parang wala namang kaproblema kaproblema sa kanila. Hindi ba sila natatakot na baka pulikatin sila tas biglang malunod? O kaya tangayin sila ng malakas na alon?

"Sabi ni Carrie hindi ka daw marunong lumangoy?" Kumpirma pa nito. "Ayun tuloy, niyaya yang mga ayan dahil tuturuan ka daw."

"Dito?" Hindi makapaniwalang itinuro ko yung lawak ng dagat. "Ayoko po. Hindi ako tatalon dyan kahit anong mangyari."

Gago talagang Cariette yon. Anong silbi ng swimming pool nila? Sa dagat pa talaga? Balak yata akong lunurin.

"It will be easy for you to conquer your fears pag sa dagat kesa sa pool." Explain ni Tita Candice na para bang nababasa yung iniisip ko. "Pool can give you an assurance that there will be an end beneath your feet. But this sea? You need to know how deep and how far you can take. Don't you want to know your limits?"

Napipilan ako habang iniisip yung sinabi nito.

"Kayo po ba? Is there anything you want to test your limits into? Hindi po ba kayo natatakot?"

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon