Chapter 4

7.4K 571 353
                                    

Rainey

Halos mag-iisang oras na akong nakatitig sa module ko pero wala pa din akong nasasagutan. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Nakailang basa na din naman ako pero hindi ko talaga maintindihan kung paano ginagawa iyon.

Tiningnan ko ulit yung phone ko kung nagreply na si Elle. Tinext ko kasi sya kanina kung pwede syang pumunta dito sa bahay ngayon para turuan ako. Pero wala naman syang reply kahit isa. Nakalimutan na yata talaga niya ako.

Mula kasi noong magkasagutan kami noong kasal ni Ember at Ate Cray nito ay hindi na nito ako pinupuntahan ulit dito sa bahay. Pag ako naman yung pumupunta sa kanila ay lagi naman itong wala o kaya naman ay sasabihin na busy ito.

Mas madalas na din itong sumama sa pinsan nitong si Elise at sa grupo niyon, kina Tris at Kaylee. Sabagay, sila kasi naman talaga yung magkakabatch kaya mas convenient iyon para dito.

Hindi na din ako nito sinasabayan maglunch. Pag makikisabay ako dito pagpasok ay malalaman ko na lang na maaga pala ito umalis, tapos pag uwian naman ay iniiwan din ako nito. Pag tinatawagan ko ay hindi naman sinasagot yung tawag ko. Halatang iniiwasan ako.

Ang siste tuloy, napipilitan akong maglakad pauwi at papasok. At dahil wala na din akong pera ay nagbabaon na lang ako ng cookies sa school at saka palihim na kakain sa kung saan pwede na walang nambubully. Pero mas madalas ay sa comfort room o kaya ay sa shower stall. Lalabas na lang ako pag wala ng tao.

I want to tell her what's going on with me. But I just don't know how. Siguro dahil tinablan din ako nung sinabihan ako ni Mama na masyado akong entitled. Feeling ko sakin lang umiikot yung mundo. Feeling ko dapat intindihin ako ng mga tao sa paligid ko. Baka nga totoo na paawa na ako masyado gaya ng sinabi ni Elle. Gaya ng sabi ni Mama. Gaya ng sinasabi ni Tris.

If Ember is just here. For sure, she'll be helping me with my acads. O kaya naman ay sasabayan ako kumain. Ihahatid at susunduin pa ako noon.

Nalulungkot lalo na isinubsob ko na lang yung mukha ko sa mga libro na nasa harapan ko. Nagbake pa naman ako ng strawberry cake at dinala kina Elle kanina para sana suyuin na ito. Favorite pa naman nito iyon. Kaso hindi naman ako nito nilabas. May tinatapos daw kasi itong project sabi ng Momma nito.

Tumayo ako at sinilip yung bintana sa kwarto nito na katapat lang ng kwarto ko. Magkatapat lang kasi yung balcony ng mga kwarto namin. Pero hindi na gaya ng dati, hindi na nakabukas lang iyon. Palagi ng nakababa yung blinds at makapal yung kurtina.

Got fed up too?

Babalik na sana ako sa kama nang mapansin ko na bumukas yung pinto sa balcony ng kwarto ni Elle. Excited na lumabas pa ako ng balcony sa kwarto ko para sana kawayan at batiin ito. Pero nawala yung nakahanda ko ng ngiti dito nang lumabas ito doon at may kasamang iba.

Marahil hindi pa nga ako nito napansin. Kasi tumatawa pa ito habang kasunod si Tris na may bitbit na tray ng kape yata at mango cheesecake. Samantalang si Elle naman ay tangay tangay yung mga libro at notes nila. They look so comfortable together. Mukhang sabay na mag-aaral pa nga ang mga ito. Panay pa nga ang kantyawan at tawa nila.

Nang mapatingin sila sa direksyon ko ay tipid na tumango at ngumiti lang ako. Hindi ko na hinintay yung reaksyon ng mga ito at saka nagmamadaling pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko.

Maybe Mama is right. I am not good in taking care of the people around me. That's why at some point, they got bored, and found someone better to replace me.

And I should not fuss. I should not cry. I shouldn't get hurt.

I've got no rights to.

*****

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon