Chapter 30

9.6K 642 563
                                    

Cariette

Pagdating namin sa bahay nila Tita Sammie, walang gustong bumaba ng sasakyan. Kahit yata si Tris na dito naman nakatira, ayaw din bumaba e. Kung hindi pa nga nagsalita si Tita Grant na dito na bumaba na ito pati si Priam at Rainey, ay hindi pa nga magsisikilos ang mga ito.

Dito daw kasi sila muna mag-istay habang hindi pa nagkakaayos yung parents nya. Saka para macheck daw sya ni Tita Sammie.

Bumaba din ako kasama ni Rainey. "Call me if there's a problem, okay?"

"Uhm.."

Tumaas yung kilay ko nang alanganin na napakamot ito sa pisngi. "Wala akong phone, Carrie. Nawawala yung gamit ko. Hindi ko alam kung naiwan ko ba sa bahay nyo."

Nagsalubong naman yung kilay ko sa sinabi nito. Paano nito maiiwan sa bahay namin yung phone nito kung nung tumawag naman ako nung nasa Isla pa kami ay sumagot nga ito. Narinig ko pa nga yung boses nito at yung boses ni Elle.

"You sure?"

Tumango ito at itinaas pa yung kamay na para bang nanunumpa ng katapatan.

Gigil na hinanap tuloy ng mata ko yung lintik na Elle na 'yan. Tahimik lang ito na bumaba din pala ng sasakyan para makadaan pababa si Tris.

Damn! Why hadn't I thought of it? Posible nga na pakana lang lahat ni Elle iyon. Baka nga ito pa yung sumagot ng phone ni Rainey.

Inabot ko kay Rainey yung phone ko. "Heto. Sayo na lang muna yung phone ko."

"Hindi na, Carrie." Ibinalik nito iyon sa kamay ko. "Tawagan mo na lang si Priam. Manghihiram na lang ako ng phone sa kanya. O kaya naman ako na lang ang tatawag sayo."

Napasimangot naman ako. Ang awkward niyon. Hindi kami makakapag usap ng maayos. Mamaya naka-tap pala yung line ni Priam. Ayoko. Kahit sabihin pa ni Rainey na bati na sila ng kapatid nya, hindi pa din ako ganoon kakumbinsido.

Paano naman, tandang-tanda ko kung paano sila mag-away noon ni Priam.

"Papabili ako agad kay Mommy." Nginitian ako nito. "Sige na. Huwag ka na nga sumimangot dyan. Magkikita naman tayo sa school sa Monday. Sabay pa din naman tayo maglalunch. Ipagbabaon kita."

Nawala lang yung pagkakakunot ng noo ko nang yakapin ako nito at halikan sa pisngi.

Ngumiti na lang din ako at yumakap dito. Iniisip ko na pwede ko naman ito ihatid sundo na lang araw araw.

"Magpapaiwan din ako, Ma!" Tatalikod na sana ako pabalik ng sasakyan nang marinig ko yung sinabi ni Harrice.

Nakatakbo na nga din ito pababa ng sasakyan.

Sila Mama tuloy na naghihintay samin sa sasakyan ay natigilan at napalingon samin ni Harrie.

"I'm sorry?"

"Magpapaiwan ako." Muntik pa akong masubsob nang itulak ako ni Harrice papunta kina Mama. "Dito lang ako habang andito si Ate Rainey. Di ako aalis sa tabi nya."

Napaangat yung kilay ko bago walang imik na bumalik sa tabi ni Rainey na nakatayo din sa front porch ng bahay nila Tita Sammie para ihatid sana ako ng tingin. 

"Ako din." Sabi ko at saka kumapit sa kamay ni Rainey.

Si Harrice naman ay tinabig ako palayo. "Huwag na Carrie, dun ka na sa bahay. Ako na bahala magbantay kay Ate Rainey."

Naiinis na tinabig ko din sya palayo. "Ako na. Girlfriend ka?"

Ayaw magpatalo na sumimangot pa si Harrice. "Hindi. Pero ibebreak ka na ni Ate Rainey kasi lagi mong inaaway. Ako na lang sasama sa kanya. Para lagi lang kaming masaya. Di ba Ate Rain? Ako ng bahala sa grades at baon mo." Kumapit pa talaga ito sa braso ng girlfriend ko. Feel na feel na akala mo sya yung legal. E extra lang naman sya.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon