Chapter 19

7.4K 544 181
                                    

Rainey

"Masarap di ba? Sabi na nga ba magugustuhan mo dito. Ikaw agad naalala ko dito nung unang punta ko." Elle beamed. She's staring intently on me as I seemed to enjoy the last bite.

Nagthumbs up pa ako dito habang nginunguya yung laman ng bibig ko.

"Pretty but messy."

Naiilang na pinigil ko yung kamay ni Elle na may hawak na tissue na akmang pupunasan yung gilid ng bibig ko dahil nagkasmudge na yata iyon sa kalat ko kumain. "Ako na."

Tumango lang ito bago pilit na ngumiti. Inabot pa nito sakin yung baso ng tubig para makainom ako.

"Thank you."

"Anything for you." She grins.

Yung tinutukoy pala nitong meryenda dito sa building ng archi ay yung nakita ko noon na burrito na kinakain ni Cariette noong unang beses ko itong makita sa gilid ng Science building habang nagtitinda ito. And yep, masarap nga. Paborito din siguro nito iyon.

Mag-uwi kaya ako? Sigurado naman na nasa bahay yung dalawa ngayon dahil wala naman silang schedule ng klase pag sabado.

Yeah. Right. Para hindi laging sila Cariette at Harrice lang yung nag-uuwi ng pasalubong.

"Wait lang Elle ha?"

"Bakit? Saan ka pupunta?"

Itinuro ko yung counter ng canteen. "Bibili pa ko."

Nagtataka namang napahawak ito sa braso ko. "Gutom ka pa ba? Gusto mo pa? Wait, bilihan pa kita."

"No." Ngumiti ako dito bago pasimpleng tinanggal yung kamay nitong nakahawak na naman sa braso ko. Hindi ko alam kasi kung bakit naiilang talaga ako dito ngayon. "Para kina Carrie at Harrie sana. Iuuwi ko sa bahay. Tiyak magugustuhan nila din 'to."

Tuluyan nang nawala yung ngiti ni Elle at napalitan ng seryosong mukha. Ayaw ba nito kina Carriete? Mabait naman yung tao.

"Oh, okay. Here." Naglabas ito ng wallet at inabutan ako nito ng pera.

Itinulak ko lang yung kamay nito. Umiling pa ako. "May pera ako. Nagbake ako ng maraming cookies. Tinulungan ako ni Harrice ibenta iyon lahat kaya may pera ako kahit papano."

I felt the sudden surge of confidence saying I've earned money on my own. Kahit maliit lang. Iba yung feeling. Nakakaproud. Kasi pinaghirapan ko. Kaya naman gusto ko din gastusin sana sa taong kasama ko na naghirap para kumita ako.

"You sure?"

Sunod sunod na tumango ako kay Elle. "You don't have to always worry about me, Elle. I am surviving. Carrie and Harrice are both taking good care of me."

Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko dahil mukhang nasaktan si Elle doon. Mabilis itong nag-iwas ng tingin matapos tipid na ngumiti.

"Are you happy with them?"

"Oo naman. Being with them makes me happy." Napatingin ako ulit sa counter. Wala na kasing mga estudyante doon na nakapila. "Wait lang, Elle. I'll be quick. Promise."

Nakahinga lang ako nang maluwag ng tuluyan akong makalayo dito. Ewan ko kung anong problema. Hindi kasi ako kumportable dito ngayon. Dati naman ay hindi ako ganito. Ngayon kasi ay nako-conscious ako na hindi ko maintindihan.

Kagaya na lang kanina. Sanay naman ako na inaasikaso ako lagi ni Elle. Sa amin kasi ito lagi yung maasikaso. Kahit hindi ako nag-uutos, kusa itong tatayo at kukunin lahat ng kailangan ko. Subconsciously, I am that dependent to her. Normal lang sakin ba ipaghatak ako nito ng upuan o ipagbukas ng pinto. Normal lang na ito yung bibili ng food at mag-aayos ng pagkain ko para kakain na lang ako. Madalas din naman noon na susubuan pa ako nito pag busy ako o ayokong kumain.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon