Chapter 9

7.4K 584 264
                                    

Cariette

"Hi Carrie!"

I groaned seeing it was Rainey again. Ano bang hindi nito maintindihan sa sinasabi ko na ayoko nga sa plano nya? Hinding-hindi ko sya tutulungan na bawiin si Elle no. Kung gusto nya, gawin nya mag-isa.

Ano ako tanga?

"Bawal walang pera dito, baka malasin ako." Inis na sabi ko pa nang pumwesto ito sa harapan ko. "Layas. Tsupiii!" mahinang siniko ko pa nga ito palayo.

Paano ba naman, sigurado ako na kukulitin na naman ako nito na tulungan itong kumita ng pera at pumasa sa klase nito. Pag daw kasi nakita ni Elle na stable na ito at hindi na gaya nang dati ay tiyak na mas pipiliin na daw sya nito kesa kay Tris.

"Magtitinda ka ba? Tutulungan kita." Volunteer pa ni Rainey. Tapos ngiting ngiti na binuksan yung pinto ng sasakyan ko at inilapag yung bag nito sa backseat. "Masyado ka naman kasing hardworking. Hindi ka ba napapagod?"

Binuksan ko lang naman yung trunk ng sasakyan ko para ayusin yung mga toys ko at mag-inventory. Pero hindi ako magtitinda ngayon.

"I don't need help, thank you. Baka bukas magulat ako nalugi na pala ako. Hindi ka pa yata marunong magbilang."

"Grabe ka naman."

"Layas!" Iminuwestra ko pa yung kamay ko pataboy dito.

Sinamaan lang ako nito ng tingin. Bakit ba napakakulit nito?

Wala akong pakialam kahit magalit pa ito. Darating din kasi si Harrice ngayon dahil sabi nito ay sasabay ito sakin pauwi. Saka pag ganitong Friday kasi ay kailangan namin umuwi ng bahay ng parents namin.

Harrice and I are both living at the old house that was owned by Tita Grant. Pag-aari daw iyon ng mga magulang nito pero dahil sa isla na nga naninirahan ang buong pamilya nito, ibinigay na nito iyon kay Mommy. Sabi pa ni Mommy, bumili daw noon ng bahay at lupa si Mama sa lote na katabi ng bahay nila Rainey. But she sold it to Tita Alli when Tita Grant gave them the old house.

When I turned sixteen, they all moved out of the house and decided to live at the house owned by my Grandparents. Yung mga magulang kasi ni Mama, nagdecide na magmigrate na sa U.S at doon magretire. Sinama din ako doon nila Grandpa para doon ako mag-aral at matutukan ko yung mga imbensyon ko.

When Harrice turned sixteen too, she moved in to our old house to be independent too. Kaya nung umuwi ako ng bansa ay dito na ako tumuloy para may kasama ito. Hanggang ngayon magkasama pa din kami sa bahay.

Tsk! Pag nakita ito ni Harrice, aasarin ako ng babaeng iyon panigurado.

"Sungit mo sa partner mo ha!" Pang-iinis pa ni Rainey na hindi ko na naman maintindihan kung anong topak sa buhay. "Ikaw na nga tutulungan."

Nandidiring pinasadahan ko sya ng tingin. "C'mon, I'm getting goosebumps at your lame attempt of being any helpful right now. Kaya bago ko pa gamitin sayo 'tong mga toys ko, lumayas ka na sa harapan ko." itinaas ko pa yung mga gas gums ko at yung mga ball-shaped tasers ko na mas mababa yung voltage kesa sa normal na taser. Bukod pa sa mukhang normal na stressball lang iyon.

Survival self-defense kits.

"Yikes. No need for toys, Ms. Oliviar." nang-aasar na kumindat pa ito bago binato sakin yung isang ball-shaped taser na mabilis ko lang sinalo. "I'm okay with your fing"

There! Naiinis na binato ko pabalik sa kanya yung toy ko. Feeling ko nag-iinit yung buong mukha ko dahil sa tabas ng dila ng hinayupak na babaeng 'to. Hindi ba sya nahihiya sa mga pinagsasabi nya? Akala nya ba nakakatuwa sya?

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon