Chapter 6

7.4K 584 249
                                    

Rainey

Naupo ako sa bleachers habang inaantay si Cariette na matapos yung physical activity class nito. Kanina kasi nung tinawagan ko ito ang sabi lang nito ay may klase pa ito pero hindi naman sinabi kung ano at saan. Kaya naman yung mga tao doon sa Science building yung tinanong ko. Tutal mukhang kilala naman ito doon dahil halos lahat yata ng estudyante may utang sa kanya, mabilis ko lang nalaman kung nasaan ang babaeng ito.

Weekends naman kasi bukas. Aayain ko sana na samahan akong magbar mamaya at makikiutang na din ako. Tutal naman lahat ng jewelries ko, laptop, at mga gadgets, ay naisangla ko na dito lahat. Tanging phone ko na nga lang yung natitira.

So far, I'm still alive. Mukhang hindi naman nagdududa si Mama dahil alam nitong hindi naman ako nanghihingi ng pera kay Mommy. Bukod pa doon ay hindi pa naman ito napapatawag sa klase o nakakareceive ng letter mula sa university. Although nagtatanong ang mga ito kung bakit hindi na bumibisita samin si Elle. Sinabi ko na lang na baka busy kasi iyon dahil graduating na nga ito.

And the list goes on. Yung sermon ni Mama na ang tanda ko na daw pero hindi pa din ako nakakatapos. Samantalang yung mga anak daw ng kaibigan ni Mommy, puro graduating na. Kahit si Tris daw na basag-ulo lagi. Samantalang ako na hindi nga laging nasasangkot sa gulo, pero ako pa daw yung napag iiwanan. Sana naman daw ay tumino na ako para mabawasan na yung pag-aalala nya sakin.

I want to tell her what's going on in me. At how my life's becoming a mess after Ember left me. Tapos sumunod pa si Elle. At how the whole class are making fun of me. Pati yung pangbubully ng mga alipores ni Tris. But I choose not to. I have no courage to tell her. I am just too tired to become a pity case.

I just want to shut everything out. So they could just all give me peace.

From this distance, I can see how Cariette put her book on her face as she leans on the reserved chairs for the players sa malapit sa court. Halatang antok na antok ito.

Their professor saw her but choose not to call her out for that behavior. Mukhang sanay pa nga iyon na tinutulugan lang ni Cariette yung klase at activity nito.

Baka may utang din yung professor nya sa kanya tapos natatakot masingil kaya hinahayaan na lang.

When the class ended, one of Cariette's classmates, poke her arm. Ako naman ay tumayo na para puntahan ito.

"Get your filty hands off me before I rip it off."  Pati ako napaatras nang marinig ko yung mababang boses ni Cariette as she says those words as if she really means it.

Agad namang umatras yung kaklase nito na nambulahaw sa tulog nito. Samantalang si Cariette naman ay ibinalik lang sa mukha nito yung libro. Mukhang planong matulog lang yata dito.

After contemplating for a minute kung lalapitan ko ba ito o hindi, I heard her low grunt.

"What do you need?" Tanong nito bagamat may libro pa din ito sa mukha at nakasandal pa din sa upuan.

Lumingon ako sa paligid namin. Halos pawala na din naman yung mga kaklase nito kanina. Tanging yung basketball team na lang na nagpapraktis sa kabilang side ng gym yung nandoon.

Lumapit naman ako kay Cariette at inayos yung bahagyang nalilis na skirt nito. Oo, hindi naman ito nasisilipan. Pero nadidistract ako na may mga nagnanakaw pa din ng sulyap dito at sa parteng iyon ng legs nito.

"Are you still sleeping?" nananantyang tanong ko dito.

"No. I'm training to die, really." I caught that sarcasm. Inis na inalis nito yung libro sa mukha nito at saka tiningnan ako. Yung mata nito ay puno ng iritasyon. Pero dahil nga inaantok talaga ito ay bahagyang malamlam naman iyon. "What do you need? May pera ka ba?"

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon