Chapter 31

9.4K 641 344
                                    

Rainey

Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman na may sumisiksik sa tabi ko.

Damn!

Inhaling that apple scent is not enough to stop me from almost jumping out of bed.

Mahirap na. Mamaya may gumagamit lang ng scent ni Carrie tapos frame up pala 'to. Tapos biglang bubukas yung pinto at mahuhuli ako ng totoong Carrie na may katabing iba. Tiyak na malalagot ako.

"Aish." I heard Carrie's low grunt. "What are you doing?" takang tanong pa nito. "Mukha kang tanga dyan. Ninja ka ba? Bumalik ka nga dito."

"Carrie?"

Dahil madilim, hindi ko talaga maaninag ng husto yung mukha nito. Dali-daling gumilid ako sa bedside table para buhayin yung lamp. Mamaya voice recorder lang pala yan.

Ahh, hindi pwede. Paranoid na kung paranoid. Pero hindi na nila ako mapapaikot ulit. I'd rather kill myself than to be put in a position where I won't be happy again.

There, totoo nga. Si Carrie nga. Nakailang kusot pa ako ng mata ko para makasigurado.

Confirmed.

"What the heck are you doing?" She hissed, already half-annoyed. Pinatay pa nga nito yung lampshade sa gilid. "Nasa likuran ng bahay lang yun sina Mama. Pag tayo nahuli dito, sasakalin talaga kita." Mariing banta nito.

Napasimangot naman ako. Bakit parang kasalanan ko na naman? Sinisigurado ko lang naman talaga na sya yung kasama ko.

Saka mahuhuli agad? Nagbuhay lang ng lampshade iisipin na agad pumasok sya dito sa kwartong inookupa ko? Grabe naman yon.

Isa pa, sa lakas uminom noon ni Mommy, tiyak na aabutin ng umaga yung usapan nilang lahat doon sa baba. Kanina kasi nung sumilip kami ni Priam para magsabi na matutulog na kami, narinig pa namin yung tungkol sa summer camp na pinaplano nila para sa lahat. May sinasabi pa nga sila na dapat may mga team games at prizes. Pero syempre, di ko na inalam yon. Imposible naman na manalo ako kung sakali. Hindi naman ako matalino o athletic type. Kaya kulelat na naman ako panigurado.

Umupo sa kama si Cariette at tinapik yung pwestong hinihigaaan ko kanina. "Bumalik ka na dito." utos pa nito.

At kung kanina, antok na antok ako. Ngayon naman ay mukhang mahihirapan ako makatulog.

"Bakit ka ba kasi nandito?" hindi ko mapigilan na itanong nang bumalik ako sa tabi nito. "May pinaplano ka sakin no?"

Ito naman ay humiga lang sa tabi ko. Mukhang nahihiya pa ngang yumakap.

"Harrice is taking all of the space of our bed. Hindi ako makakatulog doon. Ang likot likot non matulog." I could sense that childish complain in her voice.

I find it adorable. Hindi kasi si Carrie yung tipo ng tao na mareklamo. Kaya naman pag nagrereklamo ito na ganito, feeling ko ang lakas lakas ko at gusto lang nito magpalambing.

"So, dito muna ako. Saka para makatulog ako ng maayos dahil alam ko na safe ka. Mahirap na. Nandyan lang sa kalapit na kwarto, yung kwarto ng favorite toy mo."

"Favorite toy? Wala naman akong toy. Saka ikaw lang naman favorite ko." but being reminded of Harrice, I add, "Bukod kay Harrice syempre. Pero mas favorite kita dahil gusto kita. Pero gusto ko pa din si Harrice kasi mukhang nakaramdam na gusto natin magtabi matulog ngayon kaya sinakop yung buong kama no?" pabirong sabi ko pa.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon