Chapter 10

7.8K 625 473
                                    

Rainey

"Dito na lang ako." Pinahinto ko si Cariette sa tapat ng luma at mumurahing building.

Sabi kasi nito ay ihahatid lang daw ako nito saglit dahil kailangan pa nitong balikan yung kapatid nito. Uuwi daw kasi sila sa kanila.

"Dito?" kumunot yung noo nito na puno ng pagtataka. "Anong gagawin mo dyan? May bibisitahin ka ba? Samahan na kita. Mukhang hindi safe dyan."

Sinilip pa nito yung bungad ng building na may mga nakatambay pang mga lalaki na nagkukwentuhan habang kumakain ng ihaw-ihaw at softdrinks.

Napangiwi pa nga doon si Cariette na para bang nandidiri sa nakikita.

Hindi ako makatingin ng diretso dito. Nahihiya ako. Baka isipin nito na kaya ko ito tinatanong kung gusto nitong maging girlfriend ko ay para magpabuhay na lang ako dito.

"I'm staying here." napayuko pa ako nang sabihin ko iyon.

"What?" lalong kumunot yung noo nito. Her green eyes turned a little darker.

"It's okay, Cariette. Drive safe. Okay?" Pinisil ko yung kamay nito at saka mabilis na bumaba ng sasakyan nito. Parang wala na kasi akong mukhang ihaharap dito.

Masyado na kasing masakit yung mga sinabi ni Mama kaya umalis na din ako samin. Galit na galit kasi ito ng makarating dito na nakipag-away ako kay Tris dahil lang daw hindi ko matanggap na si Tris at Elle na. Ni hindi man lang nila ako tinanong kung ano yung rason ko kung bakit sinuntok ko si Tris. Basta nagalit na lang sya hanggang sa madulas sya na wala daw talaga akong mararating sa buhay ko dahil bukod sa mapurol na nga yung utak ko, masama pa daw ugali ko. Akala ko kakampihan ako ni Mommy pero nang marinig nito mula kay Elle na ako yung unang nanuntok kay Tris ay tila naubos na din yung pasensya nito at nasampal ako.

Ang masaklap pa binato sakin ni Mama lahat ng damit ko. Hinamon pa ako na lumayas na at mabuhay mag-isa. Tutal noon naman daw ay nagawa din daw itong palayasin ng magulang nito kaya natuto ito sa buhay. Baka nga daw pareho lang kami ng dugo. Baka sakaling kung nasa ganoong sitwasyon na ako na wala ng makain at matirhan, maisip ko na yung tumino. Suko na daw ito sakin. The world will be better without me. Things would be easier if I weren't their daughter.

Mom did not say anything about it.

Just like Ember. Just like Elle. Both of my parents had already given up on me. And I swear that I never felt so low when Mama threw me some paper bills and ordered me to never show my face again hangga't wala akong nararating.

Habang dinadampot ko yung perang ibinato nito sakin nung gabing iyon, parang unti-unti akong hinuhubaran. Ganoon siguro yung kahihiyan na nararamdaman nila sa tuwing may nagrereklamo ng mga kapalpakan ko. Siguro ganoon na lang din yung pagsisisi nila dahil ako pa yung naging anak nila.

Elle was there too. But when she turned her back on me, I knew right there and then, that I've lost everything.

Got no family. No friend. No one.

I just want to die.

But I can't die yet. I've got debts to pay. Malulugi si Cariette pag hindi ko nabayaran yung mga utang ko sa kanya. Baka kahit bangkay na ako, ipakulam ako noon at paorasyunan para mabuhay ulit, at masingil ako. Ganoon kalaki yung pagmamahal noon sa pera non e.

That thought is what makes me stay alive.

"Rainey.."

Pigil ko yung sarili ko na huwag umiyak ulit nang maramdaman ko yung kamay ni Cariette na humawak sa braso ko.

Bumaba din pala ito ng kotse nito para sundan ako.

Pinilit kong ngumiti nang humarap ulit dito. Carrie made it clear a while ago that I still got her. That's enough for me. Yung ideya na may kakampi pa din ako. That my existence is still important for someone.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon