Chapter 15

7.8K 641 382
                                    

Rainey

"Code. Green."

Pareho kaming napatingin ni Harrice sa pinto ng bahay nila nang pumasok si Carriete at sinabi iyon. Kadarating lang nito. May bitbit na malaking box na may nakasulat na fragile.

Tumayo naman ako para sana tulungan ito. Pero hinawakan lang ni Harrice yung kamay ko bago umiling.

Si Carriete naman ay parang walang nakita na hindi man lang lumingon sa direksyon namin. Dire-diretso lang itong lumampas.

"Iinitin ko yung food para makakain na tayo. Bumaba ka agad pagkatapos mo magpalit ng damit." Bilin ko pa dito.

Walang pakialam na hindi talaga ito huminto. Umakyat lang patungo sa hagdan na akala mo hindi ako narinig.

Nung nilingon ko si Harrice ay parang di din naman ito apektado na patuloy pa din sa pagcheck ng mga nasagutan ko ng paperworks ko.

Kanina kasi pagkarating nito ng bahay ay naabutan ako nitong nag-aaral dito sa sala. Nakailang pabalik balik na yata ito bago nito napansin na wala akong maisagot. Kaya naman lumapit na ito at nagpretend din na mag-aaral katabi ko. Doon lang ako nagkalakas ng loob na magpaturo dito. Wala naman itong sinabi pero kinuha nito yung mga libro at chineck yung pinag-aaralan ko bago nito in-explain iyon sakin.

Harrice is really like her sister. Masungit lang at mukhang suplada pero mabait naman ito pag kinakausap. Halos magdadalawang linggo na ako dito sa bahay nila pero hindi naman ako nito sinasabihan ng hindi maganda.

Natutuwa pa nga ako dito pag kumakatok ito ng kwarto ko pagkarating ng bahay dahil lagi daw inuutos ni Carriete na icheck kung nakauwi na ako. Kaya naman pag umuuwi ako at alam kong nandito na din ito sa bahay ay ako naman ang kakatok sa kwarto nito at sisigaw na nakauwi na ako.

That became our routine.

"Masungit na naman yung kapatid mo." Hindi ko mapigilan na magkomento at saka pabagsak na bumalik sa couch katabi nito. 

Hindi nagsasalitang inabutan lang ako ng chocolate bar ni Harrice. Yung kanina ko pa hinihingi dito na ayaw nitong ibigay. Lahat daw kasi ng sweets na nasa fridge bilang nito kaya wag na wag akong kukuha kung ayaw kong maputulan ng kamay.

"Anong problema non? Tanungin mo nga." Kinalabit ko pa ito para kausapin ako.

"Just let her. Gusto mo pareho tayong mapalabas ng bahay?" Masungit na sagot pa sakin ni Harrie.

"At bakit naman? Para magtatanong lang naman. Baka kailangan nya ng kausap."

"If she wants to talk, she'll say it right away. Carrie isn't the type who would hit around the bush. She's not in the mood kaya wag mong kulitin."

Napasimangot naman ako. Bakit ba ang sungit nilang magkapatid?

"O, tama na lahat ng sagot mo." Pagkasabi niyon ay ibinalik nito sakin yung mga notes ko. "Hindi ka naman pala ganoon kahina umintindi."

Ako naman ay proud na napangiti. Kasi hindi ito nahirapan na turuan ako dahil naintindihan ko agad. Kaya nga tama na lahat ng sagot ko.

"Dinner na tayo?" inumpisahan nitong iligpit yung mga gamit nito.

Napatingin naman ako sa orasan. Pasado alas siete pa lang. Gutom na ba ito agad?

"Sige. Magprepare na ako. Tawagin mo na si Carrie." Ngumiti ako dito at tumayo patungo sa kusina para makapaghanda na ng dinner namin.

Ito naman ay dumiretso lang din patungo doon na akala mo hindi narinig yung inutos ko. Kumuha pa nga ito ng mga plato at ito ang nagset ng table. Ako kasi yung nag-init ng food namin na nailuto ko na kanina.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon