Epilogue

20.6K 838 538
                                    

Rainey

"Ms. Oliviar."

Dalawang Oliviar yung nagpapaunahang bumaba ng sasakyan nila para sugurin ako. Inangat ko na agad yung paperbag na hawak ko. Tuwang tuwa si Harrice na iyon yung kinuha habang natatawang yumakap sa bewang ko si Carrie.

Ako naman ay sinalubong ito nang mas mahigpit na yakap.

"I miss you." I tiptoed to kiss the tip of her nose.

She inhaled my scent. And yes, Carrie is now supplying my perfume. Yung paborito nyang amoy ko. Blended mixture of citrus and fresh ocean water. "I miss you more, Ms. Alleman. Bakit amoy ibang babae ka?"

Wala sa loob na napaamoy din ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang nilapitan kanina habang hinihintay sila. Si Priam lang naman yung kasama ko kanina.

"Wala akong ibang babae. Baka sarili mo yung naaamoy mo. Apple scent yung perfume ng girlfriend ko."

That made her chuckle. "Just kidding." She gave me a quick kiss. "I love you."

Napaubo ako nang sumigaw si Harrice na pangtatlo na daw ako sa sinabihan ng ganon ni Carrie ngayong araw.

"How's the convention?"

"Nothing fancy. I'd rather stay with you than to be anywhere else " Sumimangot ito bago mas lalo akong hinapit palapit. " Hey, you should tell me that you love me more. C'mon, don't be shy."

"Sino muna yung dalawang sinabihan mo ng I love you kanina?"

Nag-isip ito sandali na para bang inaalala kung sino sino yung mga yun. Pagkatapos ay bahagyang natawa. Tumango pa nga.

"Harrice is right. Pangatlo na nga 'to." naglalambing na isinandal nito yung baba nito sa balikat ko habang nakatitig pa din at nakayakap sakin. "I said that to you just this morning when you called me. And another when I called you before our flight back here. And now. That's three. I love you. That's fourth. Now, you have to say it five times, okay?"

That warmed me up. I kissed her five times.

"I love you too, Ms. Oliviar."

Halos one week din kasi itong nagstay sa Canada para sa Science Convention na in-attend-an nito. Ayaw pa nga nitong puntahan iyon kung hindi ko pa pinilit. Hindi din kasi ako nakasama dahil finals week ko iyon. Syempre priority yung pag-aaral ko. Kaya hindi din naman ako sinabihan ni Carrie na sumama.

I know Carrie loves being a chemist. Gusto din nitong maging gaya ng Mama nito at maging sikat na gaya ng Mommy nito. And I don't want to hindrance that growth.

I can always wait.

"How's your final week?" Pangungumusta din nito.

Proud na proud naman akong inangat yung phone ko at pinakita sa kanya yung mga grades ko. Sobrang tataas. Paano ba naman ang galing nila magturo sakin ni Harrice. Tapos nung umalis naman ang mga ito ay si Mama at Priam yung tumulong sakin magreview.

"Nice. So proud of you, Ms. Alleman." She gave me a light kiss. "Continue doing that."

Urgh. So supportive.

Kinausap din kasi ng parents ko si Cariette at humingi ng tawad sa mga nangyari noon. Which my girlfriend, easily accepted. Sinabihan din kasi ito ni Mama na hindi pa pwede na magsama o magpakasal na agad kami. Hindi daw ako ibibigay ni Mama sa kanya hanggang hindi ko pa kayang buhayin sya. Though, a little hesitant dahil kaya naman daw nya akong buhayin, she just chose to agree with my Mother.

Trust. Carrie is trusting me that no matter what happens in the near future, I will go on choosing her. I will always choose us.

In fact, nung malaman nga nito yung vows of chastity ko, hindi nga din ito kumontra. Iniiwasan din nito na tuksuhin ako dahil ayaw din daw nito na sirain ko lahat ng mga ipinangako ko sa parents ko. Makakapaghintay naman daw ito. Ang siste, dalawa na tuloy kaming may vow of chastity.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon