Chapter 8

7.3K 555 219
                                    

Rainey

I am trying to regain my peace of mind these past few days. Hindi ko din nakikita si Carriete na nagtitinda sa likod ng building. Mukhang hindi lang ako ang umiiwas dito dahil maging ito ay halatang iniiwasan din ako.

Pagkatapos kasi noong nangyari doon sa cliff, ay hindi na kami nag-imikan hanggang sa maihatid nya ako sa labas ng subdivision namin. Tinanong ko ito kung nakauwi na ito pero hindi ito sumagot.

Kahit ako, bahagyang nailang din sa paraan kasi nito ng pagtingin noong gabing iyon. Siguro dahil pareho kaming nakainom. Pero hindi naman ako ganoon ka-dense para hindi maintindihan na kung hindi ako lumayo nung gabing iyon, siguradong mahahalikan ako nito.

And No, pulubi lang ako sa ngayon dahil naubos nito yung isang buwan na allowance ko. Oo, may utang din ako dito. Pero hindi naman ako ganoon kababa na pati sarili ko ipambabayad ko. And I don't think Carrie is also the type who will ask for something like that.

It might be just a one-time spur of the moment between us. The place might seem too romantic and secluded kaya siguro nadala lang din ito. Bukod pa sa sabihin na nakainom nga din ito.

But she should have said sorry di ba?

Tinungo ko yung daan papunta sa canteen. Sinabihan kasi ako ni Elise kanina na pumunta daw ako mamayang lunch at sumabay ako sa kanila. Sinabi daw kasi ni Elle na isabay ako.

Ayun. Isa pa ito sa hindi ko nasasabi kay Cariette dahil sige pa din yung pag-iwas nya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na nung biyernes ng gabi pagkauwi ko ay bumisita na ulit samin kinabukasan si Elle. Mabait na ulit ito at kinakausap ako.

Kaya nga malakas yung loob ko na umiwas kay Cariette pansamantala dahil binibigyan naman na ako ng baon ni Elle. Although, hindi ako nito maisabay sa pagpasok at pag-uwi dahil dinadaanan lang daw ito ni Tris at Lee.

I texted Cariette this morning and asked her to see me after her class today. Pero hindi din ito nagreply.

Pero di bale. Sigurado naman na bukas ay magkikita kami dahil may biology class kami bukas.

"Rainey!" Inangat ni Elle yung kamay nya nang makapasok ako ng canteen dito sa college nila.

Awtomatiko naman akong napangiti nang makita ito. Pero agad din iyong naglaho nang mapansin na sa katabing table nito ay nandoon din si Cariette kasama si Leo. Yung panganay na kapatid ni Kaylee. Pero unlike us, Leo isn't wearing a uniform, nakabusiness suit ito at mukhang kagalang galang.

Nang magtama yung paningin namin ni Cariette  ay ako yung nahihiyang unang nag-iwas ng tingin. Halata kasing nagtatanong ito kung bakit ako sasabay maglunch kina Elle.

"Hi." Lumapit ako kay Elle. Nagulat pa nga ako nang halikan ako nito sa pisngi.

"Magpalit ka ng perfume, Rainey. Alam mo naman na ayoko ng amoy nyan." napakunot pa ang noo nito at bahagyang napatakip sa ilong nang maamoy yung perfume na gamit ko.

Nakoconscious na inamoy ko naman yung sarili ko. Hindi nga matapang itong amoy ko e. Sakto lang. Noon una akala ko din matapang  yung amoy, pero habang tumatagal ay nakakarelax nga yung scent na 'to.

But instead of disagreeing, I found myself saying, "Sorry."

Hinatak ako ni Elle paupo sa tabi nito. Inilapit nito sakin yung tray ng food na inorder nito para sa aming dalawa. Pagkatapos ay tila walang anuman na ipinagpatuloy yung ginagawa nitong pagbabasa kanina bago ako dumating.

"I'm sorry, may exams kasi ako mamaya. Need to review. Just have lunch, okay?" Umangat pa yung magandang mukha nito at ngumiti nang mapansin na nakatingin ako dito.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon