Chapter 23

7.8K 620 387
                                    

Rainey

You can do it, Rainey. And even if you can't, you have to.

Huminga muna ako ng malalim bago pinindot yung doorbell ng bahay namin. Napatingala pa nga ako sa malaking bahay na iyon. It feels strange to be going here instead of the usual house I am accustomed to go home to, these past few days.

Kipkip ko yung paboritong bulaklak ni Mommy pati yung bin-bake kong sushi. Paborito nila ni Mama yung japanese food. Pero kahit minsan hindi ko sila naipagluto kahit isang beses man lang.

Weekends ngayon pero imbes na sumama kina Carrie pauwi sa bahay ng mga ito, mas pinili ko magpaiwan para mabisita si Mommy. Kahit iabot ko lang itong niluto ko kung ayaw pa din nila akong makita. Hindi naman na nagtanong si Cariette dahil ang alam ko may family dinner din ang mga ito.

A family dinner that's exclusive for intimate family members only. Yung dinner na kahit minsan hindi ako sinama ni Ember. And I don't want to pressure Carrie to invite me in. I don't want to cause her any discomfort in that dinner.

Natigil yung pagmumuni muni ko nang bumukas yung gate. Ngumiti ako nang makita na isa iyon sa mga maids namin.

"Nandyan si Mommy?"

Tila nag-aalangan naman ito kung sasagutin ako o hindi. Bahagya pa nga itong kinakabahan base sa itsura nito nang makita ako.

Baka may utos si Mama na huwag ako papasukin sa loob ng bakuran nila.

"Uhm." I faked a cough to hide my embarrassment. "It's okay." Inabot ko dito yung hawak kong bulaklak at yung niluto ko. "Bigay mo na lang kay Mommy ito."

Mukhang ayaw pa nga nito iyong abutin kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkalungkot.

"Kasi Ma'am Rainey, hindi po talag—"

"Ipinagbawal din ba ni Mama?" Nahihiyang napangiti na lang ako para pagtakpan yung lungkot na nararamdaman ko.

Hindi ito sumagot. Nakailang lingon pa nga ito sa loob. Pakiramdam ko ay paraan na nito iyon para itaboy ako.

"Iwan mo na lang ito sa kwarto ni Mommy." Pagpupumilit ko pa habang pinipilit iabot dito yung bulaklak na hawak ko. "Sige na. Kahit ito lang. Favorite nya 'to e."

"Naku Ma'am, hindi talaga yata pwede e." Napakamot pa ito sa ulo nito. "Mapapagalitan kami ng Mama nyo. Kabilin bilinan nya pag nagpakita kayo dito, sabihan namin agad sya."

"Bakit naman?" Sumilip din ako sa loob. Mukha kasing may kasiyahan sa may pool area. Naririnig ko yung boses ni Mama mula dito. "May bisita naman yata si Mama. Ipuslit mo na lang ito. Kahit lagay mo sa kwarto ko tapos simplehan mo na lang na sabihin kay Mommy."

"Gusto nyo po bang tawagin ko yung Mama nyo?" alanganing tanong nito.

Mabilis naman akong umiling.

"Pwede ba akong sumilip kahit sandali lang?"

"Naku Ma'am. Pasensya na po talag—"

"I'll be quick, promise. Hindi ako magpapakita sa kanila. Titingnan ko lang sila." halos magkandahaba pa yung leeg ko sa pagsilip sa loob. "Antayin mo na ako dito. Ten minutes lang ako. Ako na mag-aakyat nito sa kwarto nila Mommy."

"Pero po kasi... Pasensya na po talaga." napakamot ito sa batok bago akmang isasara na yung gate.

"Pag pinagalitan ka, sabihin mo pinilit kita. Sabihin mo sinigawan kita at tinakot. Maniniwala yun si Mama panigurado." mabilis na sabi ko pa bago pa nito tuluyang maisarado yung gate.

Nang hindi ito sumagot ay halos magmakaawa pa ako.

"Please?" Hinarang ko yung katawan ko. "Kahit sandali lang. Miss na miss ko na kasi sila."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon