Chapter 11

7.7K 605 235
                                    

Cariette

I drove in silence to our parent's house.

Good thing na wala sa mood si Harrice na mang-asar nang makita nito si Rainey na nasa passenger seat at natutulog. Walang imik lang iyon na pumwesto sa backseat. Naglagay ng airpods at natulog lang din.

Kahit maging ako ay nakakaramdam din ng antok dahil ang sarap ng tulog ng dalawa. Kaya mas binilisan ko lang magdrive. Buti na lang at hindi ganoon katraffic.

Nang makapasok ng subdivision ay din-dial ko na si Mama para mapabuksan na yung gate at kung sakaling tulog pa si Harrice ay mapabuhat ito. Pero sakto naman na huminto ako sa tapat ng front porch para sana ibaba ang mga ito muna bago ko idiretso sa garahe yung sasakyan ay saka naman na nagmulat na ng mata yung dalawa.

"You, okay?" Tanong ko kay Rainey nang makita na para bang namutla pa ito nang matanawan si Mommy at Mama na naghihintay sa front porch.

Napalingon pa si Rainey kay Harrice nang humikab yung isa.

"Hi, Ember's ex." kaswal na bati dito ni Harrie bago nag-unat.

"Uhm, hi." alanganin na ngumiti si Rainey. Halatang hindi ito kumportable sa pagbati dito ni Harrice.

"She got a name, Harrie. Stop addressing her that way. It's rude." Saway ko sa kapatid ko na ngumiti lang na tila ba nang-aasar pa.

"Fine." Binuksan nito yung pinto sa side nito. "Hi, Carrie's kept girl. Ganda ng collection mo no? From the wild card to the richest. Nice. Welcome to the family."

"Harrice!"

"What?" inosenteng ngumiti ito. "That's what I have been hearing all across the campus about her. It really infuriates me, sissy. Sarap ingudngod ng mga mukha nila sa sahig." Si Rainey naman ay napayuko na lang ng ulo nito. Hindi tuloy nito nakita na lumambot yung itsura ni Harrice nang makita yung reaksyon nito. "But seeing you still so happy, nevermind. Who cares anyway." pagkasabi niyon ay bumaba na na si Harrice ng sasakyan.

Bababa sana ako para habulin at pagsabihan ito na huwag na ulit magbabanggit ng ganoon sa harap ni Rainey nang hawakan naman ni Rainey yung kamay ko at marahang pisilin. I saw the pain that cross her eyes.

Are those the words she keeps hearing every day?

"I'm sorry." I whispered as I caress her soft cheek. "Harrice isn't like that. Kakausapin ko mamaya."

"No. It's okay." Ngumiti si Rainey. The kind of smile as if she's not affected by what she heard just few seconds ago.

But I know how hurt she is inside.

Bumaba ako nang sasakyan para pagbuksan ito ng pinto. Inalalayan ko pa ito dahil siguradong nahihiya itong humarap sa parents ko. Lalo pa matapos marinig yung mga sinabi ng kapatid ko kanina.

Harrice is already standing beside our parents. Malamang nagsumbong na ito na may kasama ako. Nakita ko pa na bahagyang nagulat si Mama nang makita kung sino yung kasama ko.

"Carrie.." Nagtatanong yung tingin nito nang bumaling kay Rainey bago bumalik ulit sakin. "I didn't know you're now friends with Railey's daughter."

Idiniin pa nito yung salitang iyon. I know that she's still hurt at how she and Tita Railey separate ways years ago on Ember's eighteenth birthday. The day before I moved out and decided to go to U.S to pursue my inventions and to earn my keeps.

It hurts her that I had to go and be independent at my young age just to forget what happened on my cousin's eighteenth birthday.

"Come here, kid." Nilapitan ako ni Mommy at saka mahigpit na niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi. Mukhang napansin din nito na biglang nagkaroon ng dead air pagkakita ni Mama sa kasama ko.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon