Chapter 5

7.4K 569 307
                                    

Rainey

I glance at my watch. It's already five forty-five. Five minutes na lang ay out na ni Elle. Nakasandal lang ako sa pader sa labas ng classroom nito habang hinihintay na mag-alas sais. Sasabay kasi sana ako dito pauwi.

Kahit naman kasi nag-alok si Cariette na isasabay ako ay ayaw ko pa din yung umasa doon. Mamaya magulat na lang ako na lunod na lunod na ako sa utang dito. Lalo pa at masyadong makwenta yung babaeng iyon.

Hah! Di ako uto-uto no.

Mula sa bulsa ko ay kinapa ko yung box ng nag-iisang kwintas na natitira sakin. Wala pa kasi akong pera kaya ito na lang muna yung ipambabayad ako. Nahihiya din naman ako kay Elle dahil halos magdadalawang linggo na akong di pa din nakakapagbayad sa perang pinadala nito noon kay Tris para sakin. Baka kaya din siguro iniiwasan ako nito dahil akala nito mangungutang na naman ako.

Ganoon iyon di ba? Kaya ka minsan iniiwasan dahil akala nila lagi kang may kailangan. Kaya sila mabilis mapagod sayo. Kaya sila mabilis magsawa.

Saktong alas sais ay natanaw ko na si Elle na palabas ng classroom. Nang matanaw ako ay agad itong nagbago ng daan. Imbes na sa direksyon ko ay umatras ito para dumaan sa west wing.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi masaktan sa ginagawa nito.

"Hey, Elle." I called her name loud enough.

Yung iba nga napatigil din. Pagkatapos ay ayun na naman yung mga bulung-bulungan na hindi matapos tapos. May mga lahi yata silang mga bubuyog.

Dakilang mga tsismosa.

"Elle." Nang maabutan ko ito ay hinatak ko yung kamay nito.

Saka lang ito tumigil sa paglalakad palayo. Tumingin muna ito sandali sa paligid bago ako tinaasan ng kilay. "What do you need from me?"

"Iniiwasan mo ba ako?" malungkot na tanong ko dito.

"No, I'm just busy."

"Let's talk." Hahatakin ko sana ito palayo doon sa mga usiserong bystander pero tinanggal lang nito yung kamay ko. Pagkatapos ay dumistansya pa na para bang meron akong nakakahawang sakit.

"Sabihin mo na lang dito, Rainey. Nauubos yung oras ko. May pupuntahan pa ko." inip na inip pa na sinilip nito yung orasan nito. I smiled sadly when I saw that it was no longer the watch I gifted her. Bago na nga iyon at halatang mamahalin. Samantalang noon ay hindi nga nito halos tinatanggal yung relong binigay ko kahit pa hindi iyon akma sa suot nito lalo na pagnakadress ito.

But I can't voice it out. Kahit gusto kong tanungin ito kung kelan pa nito din-dispose yung mga binigay ko.

Whats with this, Elle?

Dinukot ko sa bulsa ko yung box ng kwintas at inabot dito. "Here. Thank you sa pagpapautang sakin. Babayaran ko din pag nagkapera na ko. Ito na muna. Pwede mo ibenta kung kailangan mo na."

Imbes na kuhain ay tiningnan lang nito iyon.

"No, it's okay." itinulak nito iyon pabalik sakin. "Think of it as my last help. Hindi ko naman na in-expect na babayaran mo pa ko."

"Elle.." Nahihiyang awat ko dito.

"Hindi ka naman nagbayad kahit kelan, Rainey di ba? Why the sudden courtesy now?" 

Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako dito habang ganoon pa din ito. Nakadistansya. Weird that Elle's just literally a grasp close but figuratively a miles away, all at the same time.

"Hold back your tears." Awat agad nito nang marahil ay mapansin na iiyak na naman ako. "That's the only reason why people are not being too blunt to speak what's on their mind right infront of your face. Because you're a crybaby."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon