Nakabalik na kami sa Metro ng bandang ala-una ng hapon. Nandito ako sa apartment ko, nakahiga at nakatitig lamang sa kisame.
Iniisip ko ang mga naganap kaninang umaga during breakfast. Kaming dalawa nalang noon dahil maagang umalis ang mga kaibigan niya pabalik din ng Metro. He was really really cold towards me. Ice cold! Ni hindi niya nga ako masyadong kinibo. Hindi ko na rin lang sinubukang kausapin pa siya ng problema niya dahil ayoko ng naiisip kong dahilan. I don't want to assume things that might hurt but I can't help it. And to save myself from further pain, I choose not to hear the confirmation. Mas masakit kasi talaga kapag narinig na ang totoo dahil hangga't hindi ay pwede ka pang umasa.
Inihatid niya lamang ako galing sa airport dito sa apartment ko at heto nga ako hanggang ngayon ay nakahiga lamang sa kama ko. Ni hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.
Para siyang shower, may hot and cold mode! Ang gulo gulo niya! I honestly don't need this right now pero ano pa nga bang magagawa ko?! The moment we met at that pathway sa Ayala ay parte na siya ng buhay.
Kinaumagahan ay balik trabaho agad ako. Alam kong may mali sa akin dahil kanina pa sira ang mood ko. Pagkagising ko palang ay mainit na ang ulo ko. Siguro ay konti lang kasi ang oras ng tulog ko at hindi pa ganoon kalalim iyon.
Dumating ako sa opisina ng limang minuto bago mag-alas otso. Iritableng iritable ako dahil sa traffic sa daanan. Padabog akong umupo sa mesa ko nang biglang tumunog ang intercom. Sinagot ko agad iyon dahil lalo akong nairita sa ingay.
"Make me a coffee." Utos agad sa akin ni Brent at binabaan ako. Aba bastos! Padarag na tumayo ako. Kakaupo ko nga lang utos na agad tapos pagiinartehan pa ng cold treatment na yan. Nakakapunyeta! Lamigin sana siya nang manigas!
Napansin ko ang mga nagtatakang tingin sa akin ng ibang mga empleyado doon dahil sa pagdadabog ko pero wala akong pakealam sa kanila. Mga leche!
Dahan dahan kong nilapag ang kape sa gilid ng mesa niya. Tinignan ko siya ngunit nakatoon lamang ang pansin niya sa mga papeles sa harap niya at hindi man lamang ako tapunan ng tingin. Kailangan ba magpapansin pa ako para pansinin niya ako? Ganon ba dapat? What happened to 'I'm addicted to your kisses' niya? Or yung panliligaw niya, tuloy pa ba iyon? Ang akin lang naman sana ngayon, kung ayaw niya na o kung dala lang iyon ng bugso ng damdamin niya sa oras na iyon sana sabihin niya sakin. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ang nililigawan ang paasa minsan ay umaasa din naman sila. And somehow, it applies in my messed up situation.
Siguro sa sobrang inis ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Sir, do we have a problem?" Diretsong tanong ko at doon nakuha ko ang attention nito.
"What?" Lalo akong nairita sa pagmamaang matang an nito.
"May problema ba tayo? May problema ka ba sa akin? Kahapon ka pa hindi namamansin at nagsusungit. If you have a problem then tell me! Hindi yung nangangapa ako kung anong mali. Nakakairita yung ganon, alam mo ba yon?" Wala itong sagot at tila ba namamanghang nakatingin lamang ito sa akin.
"Ano ba?! Sagutin mo ako, hindi yung titignan mo lang ako!" Tumaas pa lalo ang boses ko. Hinihingal na rin ako sa sobrang gigil na nararamdaman. Pumikit ako at pabagsak na naupo sa silya sa harap ng mesa niya. Nakakapanghina. Ano nga bang nangyayari sa akin?
Narinig ko itong humugot ng malalim na hininga. "Patty, walang problema. You've done nothing wrong. It's just me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko."
Naiiyak ako. Is this it? Eto na ba yung kinatatakutan kong kumpirmasyon? Na apektado pa rin siya kay Pinky. He changed after seeing her. He stopped pursuing me after being with her. Ano? Kailangan ba talagang hindi na ako umasa na mapapalitan ko pa ito sa buhay ni Brent?
This is now or never. Aalamin ko na ang sagot kaysa naman magbulagbulagan pa ako. I need to know. I am brave enough to know the truth.
"It's all about you and Pinky. Hindi mo maintindihan ang sarili mo kasi naguguluhan ka sa nararamdaman mo. Is that it?" Tanong ko kahit na labag sa loob ko.
"No." Seryosong sagot nito. Noon na ako napatingin sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata ko at para akong nawawala sa intensidad ng tingin niya.
"This has nothing to do with Pinky. It's all about you." Napanganga ako sa sinabi niya lalo na nang tumayo ito at unti-unting naglakad paikot sa mesa niya papunta sa inuupuan ko. "You messed me up big time! I was never the jealous type but then you came and made me jealous of you and your former boss. How can you agree to have dinner with another guy? Dinner is our thing. You say it's all Pinky when every damn time I think of you and how easily you've crept your way into my system." Ngayon ay nakatingala na ako sakanya dahil nasa tapat ko na siya. Nangilabot ako sa mga sinabi niya at sa distansya naming dalawa.
"I like you so much that it's hard to think of others right now. I like you so much that I get jealous of another man. I like you so much and that's all I know." Yumuko ito at itinukod ang mga kamay sa likod ng upuan para tumapat sa akin. Nahigit ko ang hininga sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa. I can feel his breath and I would be lying if I say that it doesn't excite me. I am excited and overjoyed. Lahat ata ng takot na nararamdaman ko kanina ay nawalang parang bula at napalitan ng galak. His words were all I need to calm down. The things he said are like the assurance I have been waiting. They were like the cue I have to hear before I take that leap and let myself fall. And yes, I think I just jumped off a dangerous cliff with no idea what's at the bottom. But I'm hoping he'll be there to catch me and prevent me from getting hurt. Yun lang naman sapat na sa akin. Kahit hindi niya pa ako mahal at like palang malaking bagay na ang nandyan siya.
Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa mga labi ko. Damn! Parang sa klase ng tingin niya ay hindi niya titigilan ang labi ko hangga't hindi namamaga. And it really excites me! We haven't kissed for two days. Pakiramdam ko ay taon na ang nakalipas na iyon kaya miss na miss ko na ang mga labi niya.
"Let me kiss you, baby. Let me feel your sweet lips once again. I'll take responsibility, don't worry." Wala na akong maintindihan dahil sabik na sabik na din akong mahalikan niya.
And then our lips met, I moaned from the pleasure of having his lips unto mine. Naramdaman kong lalo siyang ginanahan ng marinig ang ungol ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para hindi ako makawala. Pero hindi ko gustong umiwas sa labi niya.
"Nahalikan mo na naman ako pero hindi pa naman tayo." Sabi ko na ikinatawa nito. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Nasa couch kami ngayon habang nakayakap siya galing sa likod ko. Dito niya ako dinala kanina nang buhatin niya ako sa matinding kissing session naming dalawa. Jusko! Buti na lamang at mayroon pa akong natitirang matinong brain cells kanina kung hindi ay baka nawala na ako ng tuluyan sa sarili sa tindi ng halik niya.
"Sorry, baby. I just missed your lips so bad." Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo. Napangiti ako at humarap sa kanya. Nakita kong nakangiti din siya at walang sabi-sabing hinalikan na naman ako.
"Kissing monster." Hinihingal na tudyo ko sakanya. Natawa lamang siya. Nung sinabi kong mamamaga ang labi ko sa kakahalik niya ay mukhang magkakatotoo nga. Akmang hahalikan niya ulit ako ngunit umiwas na ako. Nakakarami na siya at isa pa may trabaho pa kami!
"Enough na. May trabaho pa tayo. Kailangan ko nang bumalik sa table ko." Kanina pa ako dito sa opisina niya pumasok at hindi pa din ako lumalabas. Kumawala na ako sa yakap niya at tumayo na ngunit hawak niya pa din ang kamay ko.
"Let's have dinner later, okay? And then, we'll talk." Tumango ako at pinilit nang lumabas kahit na gusto ko pa siyang makasama. Nang makaupo ako sa mesa ko ay natawa pa ako. I was scared of nothing. It was all in my head. I made my own problems. Nakakaloka pala talaga kapag laging nag-aassume. Kaya next time, hindi ko na gagawin iyon. I would stop overthinking, it's unhealthy. Okay, I'm slacking too much. I have a lot of work to do dahil maraming natambak na gawain lalo pa at galing kaming Bohol. Natawa ulit ako ng maisip na ang dami naming pareho na trabaho pero nagawa pa naming magmake out sa opisina niya. But, I won't have it other way. Masarap siyang humalik eh.
Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang iba na nakatingin sa akin ng nagtataka. Well, hindi ko sila masisisi dahil kanina lamang ay mainit ang ulo ko ngunit ngayon ay tumatawa tawa pa ako. Bahala sila kung anong isipin nila sa akin. Baliw na kung baliw eh kahit ako man ay iisipin kong baliw na nga ako. Baliw kay Brent! Pinigilan ko ang sariling matawa ng malakas sa naisip.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...