Thirty-third War

2.3K 61 3
                                    

"How are you feeling? Okay ka na?" Worried na tanong ni Mommy sa akin dito sa kwarto matapos akong tignan ng family doctor namin. Nang umiiyak ako kanina ay bigla akong inatake ng hika kahit wala akong hika. Basta ang alam ko ay para akong naubusan ng hangin at hindi na nakahinga ng mabuti. Nataranta silang lahat lalo na nang namutla ako at halos mahimatay na.

I never cried that hard in my entire life! Not even when a family died and definitely not in front of my family. Akala ko nga talaga ay mamamatay ako kanina sa pag-iyak.

"Anong nangyari? What did Trim do? Why was she apologizing repeatedly?" Tanong ulit ni Mommy. I shook my head while looking down. Hindi ako tumitingin sa kanya.

"Nothing, mom." Sagot ko. Ayokong sabihin sakanila na si Brent na naman ang dahilan ng pag-iyak ko kanina. Tama nang hindi na sila mag-alala pa ulit sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy tapos ay ang pagbukas ng pintuan, saka lamang ako nag-angat ng tingin.

"Tita? Trix? Are you okay now? Can I talk to you?" Mahinang wika ni Trim. I can see the guilt and regret in her eyes. Tumango ako. Nagpaalam si Mommy na bababa at iniwan kaming dalawa doon.

"Are you mad at me? I understand if you are. I was being immature. Napikon ako pero hindi ko na dapat sinabi iyon. Dapat inisip kong masasaktan ka. I am really sorry, Trix. I didn't mean to." Mapagkumbabang pahayag niya. She was close to tears too. Umiling ako. I am not mad at her. I can't be and I shouldn't be. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan na nasaktan ako ng sobra sa balitang iyon.

"It was not your fault. The pain is inevitable anyways. Mahal ko pa rin kaya masasaktan talaga ako. It's just that I also realized awhile ago the kind of love I have for him. He is my true love, Trim, at mahirap mawalan ng pag-asa sa ganoong klase ng pag-ibig." Sabi ko. Nangingilid na naman ang luha ko. Natahimik siya at bigla na lamang ako niyakap. Paano ko mapipigilan ang luha kung ganitong may nagpapakita ng malasakit. And so, I let the tears fall again, crying silently...for the last time ever!

Kumalas siya sa yakap at tinignan ako. Tinulungan niya akong magpunas ng luha. "What are you going to do now?" Humikbi ako.

"Still the same. I'll stick to the plan this time. I will forget..." Sagot ko. Tumango siya. Ayoko nang maghiganti. Ayokong mapalapit pa lalo sa kanila ulit dahil alam ko na kung anong klaseng sakit ang mararamdaman ko. I'd rather sacrifice my heart. I can't risk my own life for vengeance.

"Let's go back to Chicago. Let's forget the things and the people here that hurt. Magfocus nalang tayo sa sarili natin. Do greater things for ourselves." I stared at her. She looks determined and I wonder why...

"Pero paano ang career mo dito? Are you willing to give it up? Bakit?" Ngumiti lamang siya.

"Hindi na iyon importante. So ano? We have a mission!" Parang batang sabi niya. Natawa na ako sa kanya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Yes, it's a mission!

And that was what happened...after two days ay lumipad na kami papuntang Chicago. We technically grew up here. Dito ako nag-aral ng grade school until sophomore year in highschool. Si Trim naman ay hanggang sixth grade lamang dahil nauna silang umuwi ng Pilipinas.

Nag-enroll agad siya sa isang cosmetic school para may pagkaabalahan. She really did leave her career as a promising actress. Nagtataka man ako kung bakit niya iyon ginawa ay hindi na rin ako nagtanong pa. Kung anuman ang dahilan niya ay siguradong mabigat din. She won't sacrifice her dreams for that, right?

Ako naman, dito na ako naka-based. I will manage all the operations here in the US. Nandito din kasi sa Chicago ang main branch namin. Kung sa Pilipinas ay madali kong na-conquer ang business world at agad binansagang Queen Midas, dito naman ay kailangan kong magsimula ulit. It was stressful noong una dahil ang dami kong kailangang i-review na reports and people to meet but nothing I can handle.

Padarag na umupo ako sa couch sa living room para tumabi kay Trim, kakarating ko lamang from the office. Kaliwa't kanan ang naging meetings ko at gutom na gutom na ako.

"What's for dinner? Did you cook?" Tanong ko kay Trim habang nakapikit at hinihilot ang sentido. Naramdaman ko itong tumayo at naglakad.

"Nope. Kakarating ko lang din so nagtake-out nalang ako ng chinese foods. Here." Sagot nito at nang imulat ko ang mata ko ay kita ko ang mga take out boxes na inilapag niya sa coffee table. I immediately grabbed one box and chopsticks to eat. Tahimik na kumain kami habang nanonood ng isang reality show.

"Trim, kanina pala nang bago ako nakapasok were you watching the filipino channel?" Sumulyap pa ako dito. Bigla na lamang siyang napaubo at alam kong tama nga ang hinala ko kanina. May usapan kaming tatalikuran pansamantala ang anumang may kinalaman sa Pilipinas para iwas balita na din.

Umiling ako ng puno ng panunumbat at disappointment. Ngumuso siya habang kinakagat ang labi. Guilty'ng guilty ang mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili mapatawa sa hitsura niya. Bibiruin ko pa sana siya ngunit hindi ko nagawa.

"Sorry na. I just wanted to know kung..." Hindi nito iyon madugtungan. Tumatawang umiling ulit ako.

"Kung kamusta na si Geoff?" Supply ko ng kasunod. Nanlaki ang mata niyang napatingin sa akin. Lalo akong napatawa sa reaksyon niya.

"Hindi ah! God!" Sigaw nito saka pinilit kumalma nang makita ang pagtawa ko. "Bianca called kasi and told me some news. Mainit daw na balita ngayon yung pag-alis ko. May balita pa daw na buntis ako. Goodness! I don't know why I even thought of entering showbiz before! It's horrible!" Reklamo niya pa.

"Ha? Bakit? Talaga? You're not really pregnant?" Kunwaring nagtataka kong tanong dito saka hinagod ito ng tingin lalo na ang tiyan nito. Binato niya ako nung chopsticks na ginamit niya. Tawa naman ako ng tawa sa pag-ilag.

"I hate you! Huwag mo ako pinipikon kung ayaw mong may sabihin ulit akong ikaiiyak mo!" Tinawanan ko lang siya. Ang totoo ay I don't think there's something else that could still make me cry harder than that. Kaya hindi na ako natatakot pa sa banta niya.

Natigilan siya at tumitig lang sa akin na nangingiti. Kinunutan ko siya ng noo para magtanong at nang sumagot siya ay napangiti na rin ako.

"I'm glad you are beginning to recover, Trix. Konti pa at ikaw na ulit yan. Ikaw na ulit yung cousin slash best friend ko."

"Yeah, ramdam ko rin yan Trim but there are still changes in me, good changes now. At least something good came out from all the bad things di ba?" I smiled. Totoo iyon. Ngayon ko lamang naisip na kahit nasaktan ako, kahit pinagdaanan ko iyon lahat ay ayos lang dahil may mga natutunan akong higit pa sa gusto kong matutunan dati.

God gave me the things I prayed for and more. Thus, I don't blame Him for all the pain. Parte iyon ng proseso kung paano Niya sa akin ibibigay ang mga bagay na hiniling ko.

"Huwag na nga natin isipin iyan!" Tumayo ako at tumungo sa kusina. Kinuha ko ang wine na nakita ko nung isang araw at binuksan iyon. Kumuha din ako ng dalawang wine glass at dinala ang mga iyon sa sala. Inilapag ko iyon sa coffee table at sinalinan ang mga baso.

"Mission soon to be accomplished!" Sabi ko nang itaas ko ang aking wine glass. Tumawa at tumango si Trim saka ginaya ang ginawa ko.

Para sa akin nagbago ang mission ko. Hindi na ang maghiganti o maging ang makalimot sa lahat ng nangyari at sa pagmamahal ko sa kay Brent. It's more on finding what I have truly lost while I loved him and while I was proving other people what I am capable of doing. I know I have lost myself in the process. Iyong ako na hindi nagpapaapekto, iyong ako na walang pakialam sa mga sinasabi ng iba at iyong ako na may tiwala sa sarili kong kakayahan. I am trying to find that person in me again. And maybe kapag nagawa ko nang mahanap ulit iyon madali na ang lumimot dahil hindi na ako mangangailangan ng atensyon mula sa ibang tao para sa sarili ko.

I can just forget all about my true love but never to love again.

Dahil kapag ako na ulit ito, I will love again. I will continue looking for the right one. Hindi ako susuko dahil ang pag-ibig hindi limitado sa dalawang tao lamang. I know I will learn to love someone again once I let myself feel.

Napagtanto ko that love is not scary...what we are scared of is the possible pain, the rejection and the disappointment that comes with it.

-------------
Alright! Malapit na! Konting push nalang. Haha. Kindly check out Stealing Love po. Thanks! Have a good day!

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon