Forty-second War

2.5K 52 2
                                    

"Natahimik ka? Tama ako no?" Tumawa siya. I was still gaping at him. "I know things about you, sis. I researched, of course. Gusto kong makilala ang mga taong dahilan kung bakit ka sobrang nasaktan noon. I wanted to make them pay but I thought, huwag nalang...you know why?" Taas kilay at nakangisi niyang tanong. Tunganga pa din ako sa kanya. Umiling siya at tumawa nang makita ang reaksyon ko. "Because...karma beat me to it. Kaya hinayaan ko nalang sila." Nangunot ang noo ko.

"What are you saying? What karma? Sus! Eh ayun nga at nagpaparty pa sila di ba?" Irap ko dito. Pinagloloko na naman ako. Pa-research research pang nalalaman if I know naikwento lang ni Mommy sa kanila ang nangyari sa akin. Ngumisi na naman si Kuya at sabay ginulo ang ayos na ayos kong buhok.

"Ano ba, Kuya!" Reklamo ko dito habang hinahampas ang kamay nito.

"Wala ka pa rin talagang alam no? Ang bagal mo pa din. You know everything about business yet you failed to know things about your enemies? Maghintay ka na lang nga." Natatawang pahayag nito. Umirap ulit ako. Heto na naman po kami sa mind boggling games niya. Magsasabi siya ng mga bagay and you need to figure out what he wants to relay. Hindi siya yung straightforward na tao. He wants you to think first hanggang sa magkandabaliw baliw kana kakaisip kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. He has always been like that. At minsan nga, ang gusto niya lamang palang iparating ay napakasimple lang na bagay.

"Tigilan mo nga ako Kuya sa mga laro mo. Ang tanda na natin! Magbago kana kaya? If you want to say something, say it directly! Baka naman pati pagsasabi ng feelings mo sa isang babae ay gawin mo pang laro?! Goodluck no! Sana hindi mahina pick up ng babaeng pipiliin mo dahil baka abutin na lamang kayo ng seventy wala pa rin kayong forever!" Natatawa kong sabi. "And what enemies? Wala akong kaaway. Ang tagal tagal na nun! Move on din kaya!" Pahayag ko kaya ginulo niya ulit ang buhok ko. Naaasar na hinampas ko ulit ang kamay niya.

"Oh so, the war is over? You already raised the white flag? But you are about to win, sis!" He said tauntingly.

"Whatever Kuya! Whoever wins, gains nothing. Kapag nanalo ba ako, mangyayari ba lahat ng gusto ko sanang mangyari? May mag-iiba ba? Wala naman eh. Yes, I got back at them pero kung tutuusin, talo pa din naman ako, kasi nasaktan ako." Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Kuya sa sinabi ko.

"You still managed to think of that? Wow! I'm amazed and very proud. Kung ako siguro iyon, wala akong pakialam kung wala akong mapapala basta makasakit din ako ng damdamin nila...Know what?" Ngumisi siya kaya pinagtaasan ko ng kilay. "If the situation's different, boto sana ako kay Brent para sayo eh." Napanguso ako sa kanyang sinabi. "He made your heart tough and colored it with gold."

"Pinagsasabi mo na naman Kuya. Gold, gold, my heart's bloody red!" Tumawa ako. "Akyat na nga ako. Umakyat ka na din, antok lang yan!" Tumayo na ako at humalik sa kanyang pisngi. "Goodnight, Kuya! Sweet dreams." Tumawa siya.

"I am serious, Trix! Kapag nanligaw sayo ulit, sagutin mo pero pahirapan mo pa din! Hindi porket mahal mo exempted na sa hirap!" Pahabol niyang sigaw sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya ng kunot na kunot ang noo. I saw him smiling playfully. Baliw.

"Ewan ko sayo! May boyfriend na ako! At ano? Magiging kabit ako? No way! Asa siya, Kuya!" Sagot ko. Ewan ko ba kung bakit pinapatulan ko pa ang kapatid ko sa mga kalokohan niyang ito.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay hindi muna ako diretsong natulog. Umupo ako sa harap ng vanity mirror habang pinapatuyo ang aking buhok. Tulala ako sa harap nito.

Aaminin ko, kanina gusto kong umiyak dahil sa mga nabuksang damdamin. Ang sakit. Ang pagmamahal ko kay Brent. Mga damdaming ayaw mawala-wala! Iyong kahit ilang beses mong ibaon, yun pala ay parang mga halamang tumutubo. Lilitaw at lilitaw.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon