Twenty-sixth War

2.1K 55 3
                                    

Nagmamadali kong nilalagay ang mga naiwang gamit sa kahong dala-dala ko. Pinagtitinginan ako ng ibang mga empleyado dito ngunit hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Wala na rin naman naglakas loob kausapin ako.

Kung hindi lamang importante ang ibang papeles at gamit na naiwan ko dito sa lugar na ito ay hindi ko na ito pag-aaksayahan pang kunin. Sana pala hindi ko na dinala pa ito dito, masyado akong napanatag sa lugar na ito.

Oo. Nandidito ako sa opisina. Wala pa ring pumapalit sa posisyon ko bilang sektetarya kahit isang linggo na ang nakakalipas kaya naman ay malaya akong nakakagalaw sa pwesto ko dati.

Kanina pa ako nagdadasal na sana ay payapa akong makaalis dito. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Yumuko pa ako para silipin ang laman ng drawer kung may naiwan. Nasa ganoong posisyon ako nang may magsalita.

"Miss, nandyan ba si---" Hindi niya natapos ang sinasabi dahil natigilan siya ng lumingon ako. Gulat ang nakarehistro sa mukha ni Pinky habang walang emosyon ko siyang tinignan.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tinignan ko ang kasama nitong si Denice at tinaasan ng kilay bago tinalikuran nang hindi sinasagot.

"Hoy, kinakausap kita! Huwag kang bastos! What are you still doing here?! Manggugulo ka? Ha?!" Patuloy pa rin nitong pagsigaw. Napapikit ako ng mariin. Ayokong pumatol pero ayoko ding magmukhang kawawa. Tama na yung nagmukha akong tanga dahil sa panloloko nila.

Lalo akong napapikit nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Brent at nakitang nakakunot noo itong lumabas kasama ang kapatid nitong si Brandon. Nagulat ito ng makita ako ngunit agad ding napalitan ng galit ang mga mata nito. Great! Nawala ang pag-asa kong makaalis ng payapa sa lugar na ito.

"Why are you here, Miss Carlos?" Pormal ngunit may galit na wika nito. Wow! Aba naman! Ito pa ang may ganang magalit matapos ng panggagamit at panlolokong ginawa niya sa akin. Ang kapal ng mukha!

Hindi ko ito sinagot bagkus ay ipinagpatuloy ko ulit ang pagliligpit.

"See! Ang bastos talaga! Palibhasa walang pinag-aralan! Ang alam lang ay lumandi ng mayaman. Girl, money can't buy you class." Patuyang sabi ni Denice. Tinapunan ko ito ng isang matalim na tingin. Sa kanya pa talaga nanggaling ang mga salitang yan!

"Look. I don't answer to you or to anyone else in this room anymore." Tinignan ko sila isa-isa gamit ang matatalim na titig. Mga putangina!

"Kung umasta ka akala mo kung sino ka na! Tandaan mo, this is our territory!" Sagot sa akin ni Denice ng nakangisi. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.

"Wow! Kung maka 'OUR' territory ka, kasali ka na naman! You are such a fame whore." Nakangising pahayag ko dito. Umakma itong susugurin ako ng sabunot ngunit agad ding napigilan ng magkapatid.

"You! How dare you call me that?! You are just a low life money-sucking, gold digging bitch!" Nanggagalaiting sigaw nito habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Brandon at ng isa pang empleyado na tumulong sa pag-aawat dito.

Tumawa ako ng mapang-asar. I'm itching to tell them who I really am but it can wait. The right moment will come and I'll make sure they'll know who I am.

"Whatever you say, famewhore." Mapang-asar kong sabi dito. Binalingan ko naman si Pinky na tahimik lang sa isang tabi. What an actress!

"Oh, Pinky bakit hindi mo ipagtanggol ang kaibigan mo? Ahh, oo nga pala. You are an angel...in front of everyone else! You let other people do the dirty laundry for you." Nanunuya ko ring pahayag dito tsaka binulungan ito. "Don't worry, your secret's safe with me. I won't tell them na magkasinghaba lang kayo ng sungay ng kaibigan mo." Kumindat pa ako matapos nun.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon