Twenty-eighth War

2.3K 48 2
                                    

"Trix, I want you to attend an event this Wednesday. It's more of like a party..." Ani dad nang nasa hapag kami at kumakain ng hapunan sa gabing iyon. Tumango lamang ako. Nakita kong nagkatinginan sila ni mommy at para bang nag-uusap sa pamamagitan noon.

Then I heard mom sighed. Tumingin ako sa kanya. "We heard what you did at LLCo." Anito. It's my turn to sigh.

"Mom, I did nothing wrong." Sabi ko.

"We know, darling." Sagot nito na nakatingin sa akin. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain. Ganon din ang ginawa nila pero panay pa din ang sulyap ng dalawa sa akin as if hindi ko sila napapansin. Napairap ako.

"Mommy...daddy...what is it? Kanina niyo pa ako tinitignang dalawa, akala niyo hindi ko napapansin." Nagkatinginan ulit sila at sabay na tumingin na naman sa akin. What's wrong with my parents?

"Are you okay?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni mommy.

"I am perfectly okay, mom. Why did you ask?" Nagtataka ako kung bakit niya iyon tinanong. Mukha ba akong hindi okay?

"Sure?" Paniniguro ni dad. Ha? Ibinaba ko ang aking hawak na kubyertos at buong atensyon na bumaling sa kanila.

"Yes po I am pretty sure I'm okay. Teka nga, mom and dad...what's going on?" Tanong ko sa kanila at nagpalitan na naman sila ng mga makahuluga ng tingin.

"We are only worried about you. Simula nang bumalik ka, you have been working so hard. And after Galera, you are worse! All you do is work, work and work!" Seryosong pahayag ni dad.

"When we heard about what happened at LLCo, we feared that you'd be worst than worse! Dahil everytime na makikita mo siya lalo kang nawawala. What happened to our daughter? The outgoing, fun, party animal Trix? The one who loves adventure, freedom and life so much? I can't see her anymore...you're plain, dull and lifeless just like a machine." Naiiyak na pahayag naman ni mommy. Pinigilan ko ang sariling maapektuhan. I miss her too. I am looking for her too but I can't find her anymore. Maybe she's gone for good?

"I am sorry mom and dad if I'm making you worry but I want you both to know that I am actually enjoying work. As for that missing daughter of yours..." Ngumiti ako pero alam kong hindi iyon umabot sa mata. "She'll be back eventually. I think she just needs some time to herself." Sabay sabay kaming napabuntong hininga, nagkatinginan at saka nagtawanan. Iyon naman ang maganda sa pamilya namin, suportado kahit saan kaya naman hindi rin mahirap magpakasaya kasama nila.

"Dad about that event or party or whatever it is on Wednesday. Where will it be pala?" Tanong ko kay Dad nang puntahan ko ito sa library. Umupo ako sa tabi niya at nagsalin ng whiskey sa isang baso para sa akin. Ininom ko iyon at ninamnam ang pait ng alak.

It has been a year since I last had alcohol. Hindi ako uminom kahit na noong may problema.  Ayokong magpakalango sa alak dahil lamang doon. I realized it's not a wise decision. I opted for another outlet...work. Tama ang sinabi nina mommy and daddy kanina. Nagpakabusy ako sa trabaho at sa pagpapaganda ng kompanya namin para hindi ko maisip ang mga nangyari. Iyon nga lang ay hindi nila ako tinantanan.

"It's an auction party for WOTW Foundation, one of the foundations that our company help. I believe jewelries donated by some people, arts and crafts made by the women in the center and other items will be auctioned there." Sagot ni dad. Uminom din siya sa kanyang baso at pinagmasdan ako pagkatapos.

"He'll be there, I think...his family are always invited, they also help the same foundation. You might see him." Pahayag niya ulit nang tanging tango lang ang ginawa ko. Iniisip ko kasing magandang fundraising event ang auction na magaganap. Isa iyong malaking tulong para sa pagsisimula ng mga babaeng naabuso o biktima ng karahasan. Sa sinabi ni dad ay napaisip na naman ako, siguro ay bagay akong pumasok sa WOTW center para sa kanilang mga programa na tumutulong sa mga biktimang makabangon muli.

What the hell? Bakit ko nga ba naisipan iyon? Si dad kasi! "Dad, I don't care." Pairap kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nang tignan ko siya ay umiiling pa siya.

"You are still not good at lying to your father." Nakangisi niyang sabi. Nakasinghap na tumingin ako sakanya. Natawa ako bigla sa hitsura niyang mapang-asar.

"Dad! Hindi ako nagsisinungaling sayo. I will never lie to you. Wala na talaga akong pakialam. Makasalubong ko man siya sa Ayala! Makita ko man siya sa mall! Wala akong pakialam sa kanya." Wika ko na iwinawasiwas pa ang mga kamay. Para akong lasing, ibinaba ko ang aking mga kamay nang tumawa na naman si dad.

"Kahit kunin natin silang supplier for the casino hotel?" Taas kilay na tanong niya. Nanlumo ako. Ang kaninang matayog kong paniniwala ay unti-unting nagbagsakan.

"No way!" Nakasimangot kong saad. "Anything but that, daddy! I rejected their partnership proposal tapos kukunin ko pa silang supplier for my biggest project? Hindi yun pwede!" Katwiran ko.

"And why is that?" Tanong niya pa na para namang hindi nagtataka. I groaned when I saw the look he's giving me! Hinuhuli niya ako!

"Eh kasi...alright! Alright! You win! Basta ayoko talaga dad. Ayokong makatrabaho siya ulit. I do not care if they are the best supplier in the business, huwag lang sila. I cannot work with their kind of people! N-O, daddy. No! Masyadong mga matapobre lalo na yung mommy niya. Atribida! Kala mo kung sino mang-insulto." Natigilan ako. I just spilled things to my dad. Hindi ba talaga ako lasing sa lagay na ito? Masyado akong malikot at madaldal. I groaned frustratingly when I saw how dad's expressions changed from playful to serious. Great!

"Who insulted you?" Seryoso niyang tanong sa akin. Napalunok ako sa kaba. As much as I can, I hid these kind of things from dad. Siya kasi iyong tipong ayaw na ayaw naaagrabyado ang pamilya. Who wouldn't right? I believe I take it after him actually. Yung ugali kong ayaw magpatalo at ipagtatanggol ang sarili.

"No one...ako pa ba ang magpapainsulto?" I said for a save. Kabado na baka hindi siya maniwala. Mataman niya akong tinignan, lumunok ako at umiwas ng tingin papunta sa basong hawak ko. Inilapag ko yun sa lagayan niya, I think I've had enough of whiskey for tonight. Ayoko nang uminom pa ng marami dahil baka kung ano na naman ang masabi ko.

"Are you sure about that?" Nangungumbinsing tumango ako. "Huwag na huwag kang magpapainsulto. Lumaban ka para sa sarili mo. I didn't raise you just to be belittled by other people!" Seryoso niyang payo. I nodded my head again. Nakahinga din ako ng maluwag dahil naniwala siya sa akin. Kung nalaman man niyang ininsulto ako ng mga Loruega ay tiyak gagawa ito mismo ng paraan para mapagbayad ang mga ito.

Not that I'm acting saintly now...Pakialam ko ba sa kanila? Tsaka gusto ko syempre na ipinagtatanggol ako ng ama ko pero ayoko lang iyong baka pati siya ay madamay at mapahamak. He has a tendency to do things that would also bring harm upon himself when it comes to family. Besides, I can do it myself. I can exact revenge from them. Mas gusto ko namang ako ang makapaghiganti para sa sarili ko.

Nagpaalam na ako kay dad matapos ang naging pag-uusap namin. Pagdating ko sa kwarto ay sinimulan kong isipin ang sinabi ni daddy sa akin. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? I can get them as supplier. It's a big opportunity for them, kaya alam kong hindi nila iyon mahihindian. I'll have them eating at the palm of my hands. Lahat ng gusto ko kailangan nilang sundin. They will act as my slaves. At sisiguruhin kong sa gagawin ko, masisira sila ng paunti-unti mula sa loob hanggang sa lamunin sila ng buhay.

It's evil, I know, but everything is fair in love and war! If I won't make a move then I'll end up defeated again. I'm the kind of person who doesn't take defeats lightly.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon